Kapag Narating Na Ang Langit

48 6 6
                                    

Kapag narating na ang langit di na mangangarap,

Dahil ang kasukdulan sa wakas ay natanggap,

Tagumpay ngang maituturing kung malalasap,

‘Pagkat sa kamatayan, tapos na ang paghihirap.

Kapag narating na ang langit, hindi na luluha,

‘Pagkat abot-kamay na, walang-hanggang pagpapala,

‘Di na mararamdaman ang sakit at pagdurusa,

Sapagkat kapiling na ang Diyos na sinisinta.

Kapag narating na ang langit di na susuko,

Sapagkat doon ay said na ang pagkabigo,

Ang lahat ng damdamin bigla nang maglalaho,

Sapagkat doo’y wala nang pusong magdurugo.

Ngunit kahit na ganoo’y takot pa ring mamatay,

Dahil ayaw lisanin ang piling ng minamahal,

Wala nang magagawa ‘pag buhay na ang nasakdal,

At mismong ang lupa na ang humalik sa bangkay.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon