Hinanakit ng Isang Taksil

161 8 12
                                    

Huwag mo akong sisihin sa kasalanang ginawa,

Dahil di mo mapipilit mga bagay na nasira,

Pagkakamali’y di akin kung iwan kang lumuluha,

Dahil katulad mo rin naman akong nagsasawa.

Hindi mo ako masisisi kung sa iba sumiping,

Kung ikaw nga’y nagawa mo, ba’t di ko kakayanin?

Pinamumukha ko lang na walang silbi ang singsing,

Kahit ipangalandakan mong ‘minsan kang naging akin’.

Huwag kang manghusgang isa akong taong marumi,

Baka nakalimutan mong mas nauna kang lumandi,

Hindi naman patas kung ako lamang ang nasawi,

Dapat ipatikim ko rin ang aking paghihiganti.

Huwag mo akong isakdal na isang makasalanan,

Dahil ibinabalik ko lang ang sakit ng masaktan,

Pakatandaan mong minsan rin ako’y nagmamahal,

Tinanga lang at niloko kaya natutong lumaban.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon