Nanlaban

9 1 0
                                    

Nanlaban


Huwag kang maingay, mayroon kaming misyon,

Mga sangkot sa droga'y amin nang ibabaon,

Sa malamig na lupang sa kanila'y lalamon,

Kaya, magtago ka na kung kasama ka doon!


Wala kaming pakialam anumang klaseng tao,

Bata, matanda, hindi namin sinasanto,

Kung nasa 'listahan', simulan mo nang tumakbo,

'Pag naabutan ka namin, sabog ang 'yong ulo.


Kaya ang pagtakas, huwag na lang tangkain,

Saan ka man magtago'y mahahanap ka pa rin,

At baka mas malala pa ang iyong abutin,

Mga droga mo'y sa'yo namin ipapakain.


'Wag kang mag-ilusyong matitikman ang hustisya,

Mabubulok ka na sa nanlilimahid na selda,

Mas mabuti pa ngang baril na lang ang humusga,

Papatunayan na lang namin na nanlaban ka.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon