PROLOGUE

211K 1.7K 63
                                    

First Upload: April 28, 2014

Copyright (c) Gretisbored2014 All rights reserved.

A/N: Mababasa ang buong kuwento sa Google Play. Hanapin lang ang The Jilted Bride by Gretisbored Google Play. Mayroon na rin itong libro na available sa LAZADA at SHOPEE under Gretisbored.

******************* 

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

******************************

Author's Note:

Okayama does exist and it is part of the Chūgoku region of Japan; however, Muromachi is just a product of the author's imagination. It's a fictional name of a city in Okayama.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

SOME PARTS of this book ARE ALREADY DELETED. Read at your own risk.

*******************

PROLOGUE

Pinagtinginan ako ng mga tao nang umibis sa bridal car. Dapat lang no? This is my day. Alam kong ako ang pinakamagandang babae sa simbahan nang mga oras na yon.

Agad na lumapit sa akin si Benz, ang best friend kong bading na siyang wedding planner namin ni Anton. Mukhang worried na worried ito.

"Lexy babe," salubong nito sa akin at nagbeso-beso kami. "Hwag kang mabibigla ha? N-nawawala si Anton," bulong nito sa akin.

Napakunot-noo ako. "Anong nawawala?"

"Nawawala. As in nag-disappear. Nandito na siya kanina e."

Kampante pa rin ako. Alam kong andyan lang sa tabi-tabi ang nobyo ko.

"Andyan lang yan. Ano ka ba? Baka nag-CR. Puntahan mo dun."

"Hinanap ko na kung saan-saan. Hindi ko siya makita. He is not answering his phone. Kanina ko pa siya tinatawagan. And Laurie's nowhere to be found, too!"

Si Laurie? Ang maid of honor ko? Ang alam ko nauna na ito sa simbahan. Kanina pa ito tumawag sa akin na dito na lang kami sa simbahan magkikita. Kinabahan na ako. Pero di ko muna pinahalata kay Benz.

Nang makita ako, lumapit sa amin si Papa. May bahid ng pag-aalala ang mukha. Something's not right. Ang sama ng pakiramdam ko. Humalik ako sa pisngi ni Papa. Pilit na pinapakita sa kanya na kampante lang ako.

"Anak," tanging nasabi nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Naputol ang aming usapan nang biglang mag-ring ang phone ko sa bag na hawak-hawak ng aking Yaya Merced. Napatingin kaming tatlo dun. Kaagad namang binigay sa akin ni Yaya ang phone. Si Anton!

Parang bulkang sumabog sa aking pandinig ang sinabi niya. He's calling off the wedding! Di raw niya kaya. At humihingi siya ng dispensa. Namutla ako. At pinagpawisan ng malamig. Nagdilim ang aking paningin. Ang huli kong narinig ay, "Ay! Hinimatay ang bride!"

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now