Chapter 32 - Vacation

4.3K 152 18
                                    

Chapter 32 - Vacation

Everything's packed. Nakahanda na rin ang susuotin ni Karylle para bukas. May one week break si Karylle from work at niyaya naman siya ni Vice na pumunta sa La Union para mameet na rin ni Karylle ang nanay at ang lolo nito. She just finished packing her brother's bag when Vice called. She took her phone and answered the call.

"Hello."

"Kumander K!"

"Oh? Anong kelangan mo?"

"Ikaw."

"VICE!" nilayo naman ni Vice ang phone sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Karylle.

"I love you too." he smirked on the other line.

"Ibababa ko 'to." sabi ni Karylle.

"Uy wag! Tatanong ko lang naman kung tapos ka na mag impake. How's the packing going? Do you need any help? I'll help you pack. Let's pack together!" dahil sa kakulitan ni Vice, binabaan talaga siya ni Karylle.

"Ay kaloka. Naimbyerna na naman sakin si Kumander. Meron siguro yun." sabi ni Vice sa sarili at binaba na ang phone.

Kinabukasan, sinundo na ni Vice sila Karylle at Nico sakanila. 

"Good morning!" bati ni Vice nung pinagbuksan siya ni Karylle. He kissed her on the cheek and patted Nico's said, "Tulungan ko na kayo." kinuha niya yung bag ni Karylle at ni Nico at pinasok ito sa trunk.

Habang bumabyahe, nakatulog si Nico na nasa backseat. Karylle is just next to him pero kanina pa ito tahimik at hindi masyado nagsasalita. Nung una, hinayaan lang niya dahil baka mga meron ito or baka puyat lang pero di nagtagal nagtanong na din siya.

"K, okay ka lang ba?" it was green light kaya he stopped the car muna at tinignan si Karylle.

"Kinakabahan kasi ako eh.. Do you think your Nanay and Lolo will like me?" mahinang tanong nito. Yun pala ang bumabagabag sakanya.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" 

"I don't know.." she shrugged. "I'm just nervous.. This is my first time kasi." he took her hand and their fingers intertwined. He planted a kiss on her hand and looked into her eyes, "Wag kang kabahan. I'm sure they will love you." he reassured her and smiled.

Pagkatapos ng mahabang byahe, nakarating na din sila sa La Union, sa tahanan ni Vice.

"We're here!" he said excitedly. Bumaba siya ng kotse at pumunta sa kabilang side para pagbuksan si Karylle at Nico. Sobrang saya naman ni Nico at excited na excited habang si Karylle naman medyo kinabahan ulit. Tanaw na niya ang bahay ni Vice, maliit lang ito pero maganda tignan.

"Tara! Kanina pa tayo hinihintay nila Nanay at Lolo!" bitbit ni Vice ang mga bagahe nila Karylle at Nico. Kumatok si Vice at pinagbuksan naman sila ng Nanay nito.

"Nanay!" 

"Tutoy anak! Nako namiss kita anak!" tuwang tuwa si Nanay Rosario at niyakap ang anak niya at pinaghahalikan ito sa magkabilaang psingi. Natawa naman si Nico sa nakita dahil parang baby si Vice at si Karylle naman nakangiti lang habang pinapanood silang dalawa.

"Nanay naman eh. Kota na ah." natatawang sabi ni Vice, "Nay, si Karylle po pala, girlfriend ko. Tsaka si Nico,"

"Karylle! Naku ang ganda ganda mo anak!" niyakap niya si Karylle at nagulat si Karylle sa ginawa ng Nanay ni Vice at tinignan niya si Vice. Vice just nodded and smiled at her. Napayakap na din si Karylle dito. 

"Ang ganda ganda mo anak! Nako napakaswerte ni Tutoy sayo!" sabi ni Nanay Rosario pagkatapos kumalas sa pagkakayakap kay Karylle.

"Thank you po." ngumiti naman siya dito.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleWhere stories live. Discover now