Chapter 16 - STAR City

6K 109 8
                                    

Chapter 16 - STAR City 

Pagkauwi ni Karylle, nadatnan niya ang kapatid at si Sam na kumakain na. 

"Ate, saan ka po galing?" tanong ni Nico.

"Nag jogging lang. Buti naman gising na kayo. Pagkatapos niyo kumain mag ayos na kayo. Lalabas tayo." sagot ni Karylle.

"Saan po tayo pupunta?" 

"Basta. Surprise na yun. :)"

Maglalakad na sana siya papunta sa kwarto niya para kumuha ng damit. "Kasama nga pala natin si Vice mamaya." pahabol nito.

"Si Kuya Vice?! :D" 

"Oo nga." sagot nito na may halong inis at dumeretso na siya sa kwarto niya.

Tinignan naman ni Sam si Nico. Nakaramdam siya ng konting selos dahil sa narinig. Ilang beses na rin niya narinig ang pangalan na yon pero wala siyang idea kung sino 'tong Vice na tinutukoy ni Karylle. 

--

"'Te! Kamusta pagjojogging?" tanong agad ni Donna kay Vice na kararating lang.

Kasalukuyang nag aayos ang mga kaibigan nito at naghahanda na para pumasok. Si Vice na lang ang hinihintay nila.

"Okay lang naman. Nakakapagod." sagot ni Vice habang inuunat ang katawan.

"Oh, sige 'te. Mag ayos ka na dun. Wait ka namin ditey." 

"Ah.. mga beks.. kasi.." napakamot ng ulo si Vice.

"Kasi.. hindi ako makakapasok chuday."

"Ha? Bakit?"

"Niyayaya ako ni Karylle na sumama sakanila e. Papasyal daw niya si Nico." nahihiyang sagot ni Vice na medyo kinikilig.

Napatigil si Buern sa pagreretouch at tumingin kay Vice. "Hoy 'te ha. Hindi ka na pumapasok." sabi ni Buern na may halong pagtatampo.

"Eeee, pagbigyan niyo na ko mga beks! Sige na.." 

"Paano ka niya niyaya? Tinext ka niya? Tinawagan?--"

"Nagkita kami."

"Uy 'te ha, may secret meeting pala kayo ni girl. Hindi mo man lang sinasabi." sabi ni Donna.

"Gaga! Sa sports ground ko siya nakita. Kung saan ako nagjogging. Nagkataon na nadun din siya. Naku, buti nga binalian niya ako e.. kung hindi niya ako binalian, wala siguro siyang utang sakin ngayon." napangiti si Vice dahil naalala niya kung gano kaconcern si Karylle kanina. Humohopia lang siya sa "concern". It just seemed like it. 

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleWhere stories live. Discover now