Chapter 30 - Snippets Part 1

4.4K 136 11
                                    

Chapter 30 - Snippets Part 1

8 hours

"OMYGAAAAAAAD!" Vice woke up screaming kaya naman napatakbo ang mga kaibigan niya papunta sa kwarto niya.

"Ano nangyari te?!"

"Nanaginip ka na naman ba?!" 

"Meme! Ano na naman nangyari at daig mo pa nasunugan sa lakas ng sigaw mo?" 

"Nanaginip kasi ako! Kami na daw ni Karylle! Sinagot na daw niya ako!" tuwang tuwang pagkukwento ni Vice pero nalungkot ito bigla dahil na-realized niya na panaginip lang pala.

"It felt so real. Akala ko naman totoo na. Ang taray pa naman ng pasabog ko." dagdag pa niya, tinawanan naman siya ng mga kaibigan niya kaya sinabunutan niya isa sa mga ito.

"Depressed at hopia na nga yung tao, tinatawanan mo pa!" sinabunutan naman niya si Russ.

"Gaga! Hindi panaginip yun! True to life yun te!" sabi ni Buern. Nanlaki naman mga mata ni Vice at binitiwan ang buhok ni Russ.

"Hindi nga?" nag formed ng malaking ngiti sa labi niya and his eyes sparkled. 

"Oo nga Meme! Tawagan mo pa!" sabi ni Russ habang hinahawakan ang ulo niya dahil sa sakit ng pagkakasabunot ni Vice.

"Mga siraulo kayo! Pinapahopia niyo pa ko eh!" 

"Hindi ka namin pinapahopia. Jowa mo na talaga si Karylle! Tawagan mo nga kasi!" inabot naman sakanya ni Archie ang phone ni Vice and he dialed her number.

"Ano? Anong sabi?" tanong ni Buern.

"Wala pa! Nagri-ring pa! Wag kang ata--- Hello?" 

"Yes?"  

"OMYGAAAAD!" biglang tili ni Vice dahil sa kilig. Hinahampas hampas naman niya si Russ dahil sa kilig. Yes pa lang ang narinig niya kinikilig na siya. Nawala sa isip niya na iba pala meaning ni Karylle when she said yes.

"Hello Vice? What's happening there? Okay lang ba kayo jan?" she said on the other line. Vice got back his senses and cleared his throat.

"Ay, sorry K. Naistorbo ba kita? Pasensya ka na. Nanaginip kasi ako, sobrang hopia nga eh." biglang naging malungkot na naman ang boses nito.

"Bakit naman?"

"Sinagot mo na daw kasi ako dun sa panaginip ko. Tapos sabi mo mahal mo na din ako. Ang saya saya ko nga eh!" he heard her chuckled on the other line.

"Karylle naman eh.." 

"Sorry, sorry. Tapos? Ano pang nangyari sa panaginip mo?" pagpipigil ng tawa ni Karylle.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant