Chapter 14 - Bury the Hatchet

6.2K 103 7
                                    

Chapter 14 - Bury the Hatchet

Pagkalipas ng ilang araw na bakasyon sa La Union, naisipan ni Vice na bumalik na sa Manila. Sa ilang araw din niya na pag stay dun ay nakapag isip na rin siya at nakapag desisyon. Naisipan niya na kilalanin muna si Karylle para masiguro kung may nararamdaman ba talaga siya dito. Alam niya magiging mahirap yun dahil nga laging bwiset sakanya ito.

"Mga bekkkiiii! I'm baaack-laa!" sigaw ni Vice na nakatayo sa main door.

Napasigaw ang mga beki at sinugod si Vice.

"Hep hep!" naghand gesture ito ng "stop" para patigilin sila at napahinto naman ang mga ito.

"Sa sobrang dami niyo di kaya gumulong tayo palabas ng pinto nito?" natatawa na sabi ni Vice.

Tinignan lang siya ng mga bakla at biglang group hug kay Vice.

"Namiss ka namin 'te!" sabi ni Russ.

"Oo nga, buti naman naisipan mo ng bumalik." sabi ni Jan.

"Dami mong namiss 'te! Daming yummy costumers sa parlor!"

"Kayo talaga. Nawala lang ako saglit kung ano ano na pinaggagawa niyo ah! Ang harot! Kung tulungan niyo muna kaya ako sa mga dala dala ko? Pwede po ba yon?"

Tinulungan naman siya ng mga beki na ipasok ang mga dala sa kwarto niya. Pagkatapos nun ay bumalik ulit sila sa sala at umupo sa sofa.

"Ano 'te? Kamusta naman ang mudra at ang pappa?"

"Keri. Okay naman sila. Nasurprise sa pagpunta ko. :D"

"Nakapag-thinking ka ba 'te?" tanong ni Buern.

Tinignan naman siya ni Vice at ningitian lang siya nito na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ng ngiti at mata nito.

"Hay naku 'te. Knows na namin kung bakit ka nag flylaloo sa La Union." singit ni Jegs.

Tumingin naman si Vice kay Jegs na nanlaki ang mga mata dahil sa gulat.

"Dahil kay girlash. Diba?" tanong ni Jegs.

Natahimik naman si Vice dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya tanggapin ng mga kaibigan niya.

"Ano ka ba 'te. Samin ka pa ba maglilihim? Supportado ka namin 'no! Kaya wag ka ng mag emote jan!" sabi ni Archie.

Ningitian na lang ni Vice ang mga ito. "Ano 'te? Ngiti ngiti na lang? Nakapag desisyon ka na ba?" tanong ni Archie.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon