Chapter 12 - Beautiful Nightmare

6.1K 93 11
                                    

A/N: Hello readers! Thank you po sa mga comments and votes :D I was inspired by Sam Milby and Toni Gonzaga's movie na You Got Me kaya po naisipan kong guimawa ng story na a bit similar. :D hehe. SamTinner din po kasi ako noon, hanggang ngayon :D BUUUUUT, this is a ViceRylle story kaya let's stick to that :D hehe. VOTE and COMMENT? :D 

Chapter 12 - Beautiful Nightmare

Pagkauwi ni Karylle ay sinalubong siya ng puppy niya na si Chuchuy. 

"ARF ARF!" he wiggled his tail and stuck out his tongue. 

"Chuchuy baby!" she placed the coconut on the dining table first before she carried Chuchuy.

"Kamusta naman ang pasaway ko na baby?" sabi niya habang ni no-nose to nose ito.

"Ate, kamusta po practice? Naka-ilag ka po ba sa mga bala nila? Natamaan mo ba yung mga kalaban mo?" sabi ni Nico with matching hand gestures at excited ng marinig ang kwento ng ate niya.

Natawa naman si Sam at Karylle sa bata. Binaba naman ni Karylle si Chuchuy at nilapitan ang dalawa na nakaupo sa sofa.

"Ikaw talagang bata ka!" hinawi niya ang buhok ni Nico sabay kurot sa dalawang psingi nito sa sobrang gigil. 

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Karylle. 

Pareho naman umiling yung dalawa. "Ano? Bakit hindi pa kayo kumakain?" pagtataka nito.

"We were waiting for you. :) Now that you're here, we can eat. :)" sabi ni Sam.

Tumayo si Sam at hinanda na ang niluto sa lamesa. Tinulungan naman siya ni Karylle mag-hain. Pagkatapos nun ay nagsimula na silang kumain ng dinner. Bago magsimula kumain si Karylle ay kinuha niya muna yung buko na nasa gitna ng dining table at nilagay ito sa fridge.

Na-curios naman si Nico kaya tinanong niya ang ate niya. "Ate, bakit ka po may dalang buko? Kanino po galing?"

"Ah, yung buko? Galing dun sa.. di ko matandaan pangalan niya eh. Basta yung nag-punta dito noon. Yung nag-sundo sayo nung na-late ako." sabi ni Karylle habang hinihiwa ang ulam pagkatapos ay minixed niya sa kanin at sabay subo. 

"Si Kuya Vice?! :D" sabi ni Nico with a big smile on his face. Napatingin naman si Karylle sakanya habang ngumunguya.

"Nototondoon mo po pongolon non?" she asked while chewing the food in her mouth.

"Opo Ate! Nag-kita pala kayo ulit ni Kuya Vice? :D Binigyan ka pa niya ng buko, ang sweet! Sabi ko na nga ba meant to be talaga kayo e. :D" sabi ni Nico na may ngiti pa rin sakanyang labi. dahil sa sinabi ni Nico ay na-choked si Karylle kaya agad siyang uminom ng tubig. 

"ANO? Anong meant to be meant to be? Ang bata bata mo pa kung ano na pinagsasabi mo jan." tumingin naman si Karylle kay Sam sabay nagsalita. "Ikaw Samuel, anong pinapanood mo dito kay Nico?" 

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon