Chapter 26 - The Confession

5.3K 126 15
                                    

Chapter 26 - The Confession

Vice's POV 

Isang linggo na kami hindi nagkikita ni Karylle. Ako kasi 'tong lumayo eh. Simula nung nakabalik na kami sa Manila, pinasalamatan kami ng general dahil sa tagumpay namin sa mission. Pagkatapos nung araw na yun hindi na ako nagpakita. Ewan ko ba, ang dami kasi gumugulo sa isip ko. Simula nung nagkita ulit kami ng ex ko, nagkagulo gulo na ang lahat. Hindi naman sa may nararamdaman pa rin ako sakanya, I have completely moved on at yung gabi ko lang yun na-realize na naka move on na ako sakanya. Yun din yung gabi na-realize ko na mahal ko na talaga si Karylle.

"Uy, kanina ka pa walang imik. Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Karylle habang nag iimpake kami.

"Oo naman." simpleng sagot ko at ni-ngitian ko siya.

"Mahal mo pa rin siya 'no? Kaya ka tahimik jan." sabi niya. 

"Hindi na. May mahal na akong iba." I smiled sweetly. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit ka tahimik at mukhang problemado?" tanong niya sakin.

"Hindi naman, pagod lang."

"Brad!" yugyug sakin ni Vhong, natauhan naman ako bigla.

"O bakit? Ano nangyari?" 

"Pambihira ka naman Brad eh, kanina pa ko salita ng salita hindi ka naman pala nakikinig." umiiling na sabi sakin ni Vhong.

"Pasensya ka na." 

"Ano ba kasi gumugulo sa isipan mo?"

"Sino pa nga ba, eh di si Karylle." sabi ko. 

"Akala ko ba aaminin mo na sakanya?"

"Oo nga kaso.. ewan ko. Nagdadalawang isip na ko."

"Confused ka na naman ba Brad?" pagbibiro niya sakin. 

"Hindi na ako confused, alam mo yan Vhong. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya pag umamin na ko. Tsaka isa pa, baka pagtawanan lang ako nun at hindi maniwala kasi bakla ako sa paningin niya."

"Brad, tatanungin kita. Is she worth it?"

"Oo naman! Sobrang worth it!"

"Yun naman pala eh! Kung worth it siya, handa ka tanggapin kung ano man ang magiging reaksyon niya. Atleast sinubukan mo diba? Hindi yung magsisisi ka kasi hindi mo naamin sakanya totoo mong nararamdaman." tama nga naman siya. Kelangan ko na talaga siya makausap. 

"Ang galing mo talaga sa mga ganitong bagay 'no? Never ka ba naging torpe buong buhay mo?" natatawang tanong ko sakanya. Natawa naman din siya sakin.

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon