Chapter 19 - Letting Go

6.4K 114 13
                                    

Chapter 19 - Letting Go

Pagkatapos ng lunch break, back to work na ulit ang mga police officers. Back to work na din si Inspector Karylle Tatlonghari. Habang busy siya sa kanyang ginagawa, kumatok si Jake. 

"Pareko'y! Laki ng ngiti natin ngayon ah? Epekto ba yan ng nagbigay ng lunch sayo kanina?" nangaasar na tanong nito. 

"Ewan ko sayo Jake. Wag kang magulo." sagot ni Karylle. Nag focus na lang siya sa monitor. 

"Siya ba nagpapangiti sayo ngayon?" tanong ni Jake. Napatingin naman si Karylle sakanya with a confused look.

"Sino?" tanong nito. 

"Hi" sumilip ito sa may door ni Karylle. Nanlaki naman ang mga mata ni Karylle dahil sa nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" still surprised. 

"Iwanan ko muna kayong dalawa." sabi ni Jake. Tinulak niya papasok sa loob ng room ni Karylle ang lalake at sinara niya ang pinto para makapag-usap yung dalawa. 

He cleared his throat. "So.. uhm. hi." he said

"Ano ba kasi ginagawa mo dito Vice? Mambubwiset ka nanaman?" 

"Oy ah. Hindi kaya. Dinalhan nga kita ng lunch kanina e. Bakit naman ako mambubwiset?" tanong nito. Hinila niya yung upuan na sa side ni Karylle at umupo. 

"Salamat nga pala sa lunch kanina." she looked at him when she said "salamat" pero she looked away din and continued doing her work after.

"Masarap ba yung food?" he asked. Tinitignan lang niya ito.

"Oo." simpleng sagot nito. "Teka, ano nga ba ulit ginagawa mo dito?" tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa at di man lang tumitingin kay Vice.

"Wala lang. Gusto lang kita makita. Charot." agad piningot ni Karylle ang tenga nito at napatayo si Vice.

"Araaay. Karylle! Masakit! Araaaay!" 

"Ako wag mo ko ginaganyan ah. Kinikilabutan ako sayo. Nakakadiri ka." patuloy pa rin ang pag pingot niya sa tenga ni Vice. He pulled him to her door. Binuksan niya ang pinto at pinalabas ito.

"Sadista ka girl! Ang sakit." sabi ni Vice habang nakahawak sa tenga niyang pulang pula.

"Ikaw na bakla ka! *turo kay Vice* Nagtatrabaho ako dito kaya pwede wag mo ko ginugulo." naiiritang sabi nito.

"Ang sungit mo naman! Yayayain pa naman sana kita mag dinner mamaya." sagot ni Vice.

She crossed her arms at naningkit ang mga mata nito. "At bakit naman?" 

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon