Chapter 11 - This Means War... GAME.

6K 101 9
                                    

A/N: OHMY. haha, sorry po kung ang random ng title! haha :D enjoy reading readers! LOVELOVELOVE :D

Chapter 11 - This Means War... GAME. 

Maagang nagising si Karylle. Nakita naman niya si Sam na nakahiga sa sofa at tulog na tulog.

Karylle's POV:

Mukhang napuyat 'to kagabi ah. Tsk.. Naglakad naman ako papunta sa dining table at nakita ko naman ang note na nakalagay sa lamesa.

"I'm sorry Karylle. I tried to look for it everywhere in this house. I really couldn't find it. I'm sorry, Try to check it again in the police station. You might have left it somewhere there."

Napangiti naman ako at tumingin sa natutulog na si Sam. 

--

Naghanda naman ako ng almusal at kumain muna. Plano ko sanang maagang pumasok para hanapin ang planner. Pag hindi ko pa rin mahanap yun, sasabay na lang siguro ako kay Yael papunta sa training. Haii, bahala na.

--

*Checks time* 6:30 a.m. Paalis na ako ng bahay ngayon. Nakahanda na ang almusal nila Nico at Sam. Bago ako umalis, I double checked muna kung may naiwan pa akong gamit. Pagkatapos nun umalis na ako ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay, may nakita naman akong sasakyan. Familiar 'tong kotse na 'to ah. Nagulat naman ako ng biglang nag bukas ang pintuan ng kotse at bumaba ang isang lalake na naka black sando at checkered na tights at naka shades. Teka.. parang familiar 'tong lalakeng 'tong ah..Tinanggal naman niya ang kanyang shades..

nanlaki naman ang mga mata ko. O.O "IKAW?!" sigaw ko.

napatakip naman siya ng tenga dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. "Hindi hindi. Ikaw! Ikaw!" sabi niya. Loko 'tong baklang 'to. Aga aga, nambubwiset.

"Anong ginagawa mo dito?!" ano ba kasi ulit pangalan nitong baklang 'to? hay naku.

"Ihahatid ka." simpleng sagot niya habang ngumunguya ng gum.

"Sira ulo ka ba? Bakit naman ako magpapahatid sayo?" may sayad talaga yata 'tong baklang 'to e.

"Ayaw mo?" tinignan naman niya ako. tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ayaw mo talaga?" tanong niya ulit. 

"Bahala ka, malelate ka sa training mo. Medyo malayo pa naman yun.." nag look down naman siya. Teka.. training? pano niya nalaman?

My Prince Charming's Gay?! | ViceRylleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora