Epilogue

42.9K 663 44
  • Dedicated to Sa lahat ng BOSSINGS mula noong umpisa hanggang huli ♥ ♥ ♥
                                    

REMINDER: This is a glimpse or a clue with the flow of the story of the book 2. In short, para siyang teaser. Teaser ang epilogue para naman maiba di ba?

"Mom!" Sigaw ng cute na cute na si Amber sa ina.

Napangiti naman si Athena ng makita ang anak na masayang-masaya na nakikipaglaro sa aso nila. Amber had been her source of joy. Wala na siyang mahihiling sa buhay dahil sa anak niya.

Amber Skye Ricafort. Her five year old daughter.

Pero hindi naman maiwasan ni Athena na tanungin ang sarili. Hindi niya maalala kung sino ang ama ng anak niyang si Amber. Her child is growing up and she know's sooner or later, maghahanap na ito ng ama. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang anak kung maski mismo siya, hindi alam kung sino ang ama nito.

"How's my paboritong apo?"

Napalingon ako sa pinto kung saan nagmula ang boses. It was her mom and dad. Wala rin siyang maalala na kahit ano patungkol sa mga ito pero napatunayan naman nila na sila nga ang mga magulang niya kaya she trusts their words.

"Mamita! Popsie!" Matinis na sigaw ni Amber saka tumakbo palapit sa lolo at lola nito.

Masayang binuhat naman ni Frost ang apo na si Amber. Amber is five years old now. Limang taon na rin ang lumipas mula ng lisanin ni Athena ang Pilipinas. She and Amber had been living happily at New York.

Minabuti ng mga magulang ni Athena na dalhin ito sa ibang bansa. Bukod sa wala itong maalala patungkol sa asawa at mga kaibigan, isa pa sa mga dahilan kung bakit pinaalis nila ng bansa si Athena ay dahil sa lolo ni Athena na si Fire. Gusto na niyang sabihin kay Athena ang patungkol sa pagmamana ng posisyon nito sa BPS na ayaw mangyari ng ama ni Athena.

Ngunit lingid sa kaalaman nila, ilang buwan matapos nilang umalis ng Pilipinas, nalaman nilang nagdadalang-tao si Athena. Gustuhin man ng mga magulang ni Athena na papuntahin si Andrew sa kanila, hindi maari dahil maski ito ay walang maalala patungkol sa kay Athena.

"Mamita Popsie, when are we going to visit the Philippines? I want to see where my mom grew up and the place where my mom and my dad met." Nakangiting tanong ni Amber sa lolo at lola nito.

Natigilan ang mag-asawa ng marinig ang tanong ng apo. Wala sa hinuha nilang darating ang araw na tatanungin sila ng apo patungkol sa ama nito.

"Baby, hindi pa pwede sa ngayon. Pero soon. Soon apo." Nakangiting sagot ni Solenn sa apo.

Bakas naman sa mukha ni Amber ang pagkalungkot at pagkadismaya ngunit ngumiti pa rin ito sa mamita at popsie niya. Hindi naman maiwasan malungkot ni Athena sa itsura ng anak.

Sorry baby, Wala ring matutulong si mommy dahil wala akong maalala. I'm sorry.

"Daaaaadddddy!!!!!"

Mula sa second floor ng bahay ay narinig ni Andrew ang matinis na boses ng cute na bata. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit nito sa kanya. Mabilis na tumakbo ang anak palapit sa kanya. Agad niyang binuhat ito at pinaliguan siya nito ng mumunting halik sa mukha.

"Hey baby." Natatawang sabi ni Andrew habang hinahalikan siya ng anak.

"Dadddy! I missed you! I missed you so much!" Makulit na sabi ni Avery.

Avery Rain Santillan. His adopted daughter. It was five years ago ng may nag-iwan sa batang ito sa gate ng bahay nila. She wanted to look for the parents of the child but until now wala silang lead na nakukuha regarding her family. That's the time when he decided to adopt the child legally and now, she is a legal Santillan.

"Daddy, where is my ice cream?" Nagniningning ang mga nito habang tinatanong si Andrew patungkol sa ice cream.

"Nasa ref na. Go and look for it." Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba sa pagkakabuhat ni Andrew si Avery at patakbong pumunta sa kusina.

"Be careful Avery." Paalala niya sa anak ng tumakbo ito.

Umupo siya sa sofa tsaka tinignan ang picture sa table na katabi ng sofa. It was a photo of him and her wife. Nalulungkot siya kapag naalala ang patungkol sa asawang hindi pa rin niya naalala hanggang sa ngayon.

Kinuwento sa kanya ng kaibigan niya ang patungkol sa nangyaring aksidente sa kanila ng asawa niya. Ang aksidenteng akala nitong aksidente na kinasangkutan nila ng pamilya niya ay aksidente pala sa pagitan nilang mag-asawa.

Ayon sa mga kaibigan niya, namatay daw ang asawa niya sa aksidente. Ilang araw din daw siyang nacomatose dahilan para hindi na nito abutan ang burol ng asawa.

"Boss!" mula sa pinto ay pumasok si James.

"Oh James. May problema ba?" takang tanong ni Andrew sa kanya. Bihira lang kasi itong dumalaw sa kanya.

"Wala naman boss. Pero kailan ka ba magrereport sa Nine Flowers? Hinahanap ka na ng ibang members." Tanong ni James kay Andrew. Ilang araw na rin kasi itong hindi pumupunta sa headquarters ng grupo nila kaya hinahanap na ito ng mga kasamahan.

"Tsaka na kapag nakaalis na ng bansa ang anak ko." Sagot ni Andrew.

Hindi sa Pilipinas naninirahan si Avery kundi sa ibang bansa. Nasa bansa lamang ang anak para magbakasyon. Pinili ni Andrew na sa ibang bansa manirahan ang anak para na rin sa kaligtasan nito. Kasama ni Avery na nakatira sa ibang bansa ang tita nitong si Ei Ra na miyembro rin ng nine flowers.

"Okey boss." Sagot ni James.

Napatingin siya sa bahay na tinutuluyan niya. Napakalaki ng bahay kung saan siya nakatira. Malaki para sa kanila ni Avery at sa mga kapatid niya. Ramdam ni Andrew sa sarili niyang may kulang pero hindi niya malaman kung ano iyon.

"James, tell me something about my wife." Utos ni Andrew kay James.

Hindi naman malaman ni James kung paano sasagutin si Andrew. Sasabihin ba niya ang totoo o magsisinungaling siya. Magmula noong naaksidente si Andrew, puro kasinungalingan na ang bumuo sa pagkatao niya. Kasinungalingang ginawa nila ng zodiacs.

Alam niyang hindi patay ang asawa nitong si Athena ngunit sa isang hindi malamang dahilan, bigla na lamang ito nawala. Pinilit nilang hanapin kung nasaan si Athena at nalaman nilang tinatago pala ito ng pamilya niya. Hindi nila maunawaan kung bakit nila itatago ang anak sa asawa nito kaya pinili nilang sabihing patay na si Athena.

"Boss, wala ng saysay pa para alalahinin ang asawa mo. Kailangan mo ng magmove on at humanap ng empress ng grupo." Saad ni James.

Kinakatakot nitong sa oras na magsabi siya ng kahit na anong impormasyon patungkol kay Athena ay biglang bumalik ang alaala nito. Hanggat maari, yun ang isang bagay na iniiwasan nilang mangyari.

Tumayo si Andrew at nagtungo sa kwarto niya. Hindi na niya pinilit pang alamin ang patungkol sa asawa at minabuting manatili na lang sa silid niya at magpahinga. Naisip niyang marahil isa sa mga bagay na kulang sa pagkatao niya ay ang asawa niya. Gusto niyang malaman kung ano ang paborito nito, paano sila nagkakilala, paano ang buhay nila noon at marami pang iba. Lahat ng patungkol sa asawa niya ay gusto niyang malaman ngunit sa wari niya at napakahirap niyong masagot.

Pagpasok niya ng kwarto niya, nagpaplay ang kantang Got to Believe ni Juris. Napapailing siya dahil naiwan na naman ng anak ang music player na nakasindi at tumutugtog sa kwarto niya.

♫Got to believe in magic,
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers;
You've got to believe in magic
Somethin' stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in love.♫

After hearing that stanza, he felt his heart skipped a beat. The song felt so familiar to him. It made him wonder if the song was really special to him before.

Tell me how to people find each other in a world that's full of strangers.

Cause it's magic when two people fall in love.

A/N: Salamat sa lahat ng sumuporta sa kwentong ito. Subaybayan ang kwento nila bilang mga gangster boss sa Mr. and Mrs. Gangster Boss. The book 2 of She's the Boss. Maraming salamat mga bossings! Click the external link para mabasa ang prologue ng Mr. and Mrs. Gangster Boss. ♥ ♥ ♥

She's the Boss

by: zynxie_yumi

Finished: April 2014

She's the BossWhere stories live. Discover now