Ikalimampu't Tatlong Kabanata

27K 487 9
                                    

Andrew's POV

"Ano yung narinig ko? Totoo ba yun?" Mahinahon pero galit na saad ni daddy.

Nakayuko kami ni Athena parehas. Hindi kami makatingin ng diretso sa kanila. Alam kasi naming kami ang may pagkakamali. Kami ng may kasalanan.

"Ano yan? Umurong na mga dila niyo? Bakit? Ginagamit niyo na lang ba yan kapag naghahalikan kayo? O baka kapag may dinidilaan kayo?" Daddy

Hindi ko maiwasang mapapikit na lang. Parang ang sarap sabihin kay daddy na ...

Daddy! Hindi pa namin nagagawa yun! Gusto mo gawin namin?

Pero mas pinili kong manahimik dahil baka maputulan ako kapag sinabi ko yan.

Oh! Mga utak naman. Baka maputulan ako ng dila kasi sumasagot ako. Kayo ah. Ang naughty niyo. Hahaha!

Nanatili lang nakatayo sa tabi ni daddy si mommy. Hindi siya nagsasalita pero ramdam kong maski siya galit sa amin.

"Ano? Totoo bang nabuntis ka at nakunan ka?" Daddy

Kahit nakayuko ako, alam kong si Athena ang kinakausap niya. Syempre! Sino bang nabuntis? Ako ang nakabuntis. Hindi ang nabuntis.

"Y-yes dad." mahinang usal ni Athena. Kinuha ko ang kamay niya na nakakuyom sa mga hita niya at hinawakan iyon.

Napalingon siya sa akin at tumango lang ako sa kanya. Nandito lang ako. Yan ang gusto kong sabihin.

"WHAT THE HELL?! ANO BANG NANGYARI SA INYO?! Nangako ka sa akin Andrew di ba? Tiwala pa ako noon dahil sa nakikita ko sa inyo, hindi kayo magkasundo pero anong nangyari? Ilang linggo lang nabuntis ka na at ang masaklap nakunan pa? Ano bang iniisip niyo? At paano nangyari yun? Ha? Ipaliwanag niyo nga sa akin." Daddy

Tumayo ako at hinarap si daddy. Mataman itong nakatingin sa akin. Kahit na natatakot ako sa tinging yun, hindi ako nagpatinag.

"Mr. Ricafort, yes. Your daughter and I were enemies before. But just like what others say, always expect the unexpected. I never expected that I would love your daughter this way. I love your daughter so much. Forgive us with what we did. We promise never to repeat the same mistake again." Dire-diretsong saad ko.

Nanatiling matalim ang titig ni daddy sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero parang hindi maganda ang kutob ko.

"Aalis ka di ba? Pa-California?" Daddy

"Yes."

"Kailan?" Daddy

"Three weeks after graduation."

Tumango-tango siya pagkatapos akong tanungin. Matapos ay umupo sa swivel chair. Hinatak na rin ako ni Athena paupo sa tabi niya.

"Athena, what are your plans?" Daddy

Napataas ang tingin ni Athena sa daddy niya. Napatingin din ako sa kanya. Halatang nagulat siya sa tanong ng daddy niya.

"Daddy ..." Athena

"Don't tell me you don't have any plans? Anong plano mo habang wala sa Pilipinas si Andrew? Magmukmok? Hintayin siya hanggang sa makabalik siya? Alam mong hindi pwede yun." Daddy

Napatungo lang si Athena. Hindi siya nagsasalita. Ni wala akong makitang emosyon sa mukha niya.

"Tsk. Walang mangyayari sa inyo kung puro kayo pagmamahal. Ang pagmamahal hindi ginagawang hadlang yan. Ginagawang inspirasyon yan." Daddy

Tumayo na siya at lumakad patungo sa pinto kasama ni mommy.

"I want to hear your plans on the day that we will take Andrew to the airport. And I don't want disappointing answers Athena." Daddy

She's the BossWhere stories live. Discover now