Ikadalawampu't Anim na Kabanata

35.2K 617 44
                                    

Athena's POV

Natatakot ako. Natatakot akong magbago si Andrew sa oras na malaman niya kung ano talaga ako. Maaring nasasabi niya ngayon na mapapanindigan niya ang desisyon niya pero maaring magbago iyon sa tagal ng panahon.

Ang tao nagbabago. Isang realidad na dapat ay alam nating lahat. Walang permanente sa mundo. Maski ang nararamdaman ng tao ay nagbabago. Mas umuusbong o unti-unting nawawala, parehas lang yun. Hindi pa rin kagaya ng dati.

"Andrew, kapag nakilala mo ba ako ng lubusan, sa tingin mo ay iiwanan mo ko?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong tanungin siya. Napakalamig ng hangin dito sa Gazebo ngunit hindi ko maramdaman iyon. Ang tensyon at takot sa pagitan namin ang mas nangingibabaw.

"Magpapakatotoo ako. Hindi ko alam. Maari kasing may mga bagay akong hindi magustuhan sayo. Inaamin ko namang napakamisteryosa mo. Wala akong alam patungkol sayo o sa nakaraan mo. Gustuhin ko mang magtanong o alamin, mas gusto kong manggaling sayo dahil kwento mo lang ang paniniwalaan ko at pakikinggan ko dahil mahal kita. Maaring sa oras na malaman ko ang mga bagay na tinutukoy mo ay magbago ako pero sigurado akong hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Hayaan mo lang siguro ako sa mga panahong iyon. Hayaang pag-isipan ang mga bagay-bagay kung darating man iyon." Andrew

Katulad ng kinakatakot ko. Alam kong iiwan niya rin ako kapag nalaman niya ang katotohanan.

Gustuhin ko mang manatili sa tabi niya, mukhang malabo kapag nalaman na niya ang totoo.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Gusto mo bang malaman ang buong kwento?"

Sumusugal ako. Isang malaking pusta na ang kapalit ay kaligayahan ko. Ayoko namang patagalin pa to at tsaka pa ako masasaktan.

Kapag alam kong lunod na lunod na ako sa pagmamahal niya at hindi ko na kayang mabuhay na wala siya.

O___O <--- Andrew

"What's with the face?"

"Y-your telling me?" Medyo nauutal pang tanong niya

"Kung gusto mo lang."

Nakita kong naguguluhan siya. I can see it in his eyes.

"Pero bakit?" Andrew

I reached for his cheeks then gently carressed it. Ngumiti ako para mabawasan ang kaba sa dibdib niya. Kahit na hindi niya sabihin, ang pagbilis ng pitik ng pulso niya ay sapat ng ebidensya para masabi kong kinakabahan siya.

"I am going to tell you everything not because your my husband. I am telling you this because I love you so much that I can't keep it from you anymore."

Pinaharap niya ako sa garden at tsaka mahigpit na niyakap mula sa likod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. He kissed me on my cheeks.

"Thank you. I'll listen." He softly whispered in my ears.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Since I was a child, my life had been into constant danger. Palaging may death threats. Kabado kang lalabas ng bahay dahil baka may mangyaring masama sayo. Palaging nakabuntot ang mga bodyguards mo kahit saan ka magpunta. Hindi ka pwedeng basta-basta na lang makipagkaibigan sa mga kung sino-sino. Ganyan ang buhay ko noon Andrew. Hindi ako kagaya ng ordinaryong tao na kapag hapon nakakapaglaro kasama ang mga kaibigan. Malayong-malayo sa buhay na kinalakihan mo ang buhay ko."

Andrew's POV

"Since I was a child, my life had been into constant danger. Palaging may death threats. Kabado kang lalabas ng bahay dahil baka may mangyaring masama sayo. Palaging nakabuntot ang mga bodyguards mo kahit saan ka magpunta. Hindi ka pwedeng basta-basta na lang makipagkaibigan sa mga kung sino-sino. Ganyan ang buhay ko noon Andrew. Hindi ako kagaya ng ordinaryong tao na kapag hapon nakakapaglaro kasama ang mga kaibigan. Malayong-malayo sa buhay na kinalakihan mo ang buhay ko." Athena

She's the BossWhere stories live. Discover now