Ikatatlumpu't Siyam na Kabanata

34.4K 559 29
                                    

Andrew's POV

"Sumubo ka! Ang payat-payat mo my!"

"AYOKO NGA! Kuntento na ako sa katawan ko tsaka may after six diet ako! Alas onse na Andrew!" Athena

"Wala akong pakialam sa diet diet na yan. Kapag sinabi kong kakain ka. Kakain ka! Bilis! Sumubo ka na."

Ang tigas ng ulo ng babaeng to. Kanina ko pa pinapakain to ayaw niya. May diet daw siya.

"Bakit ba pinipilit mo kong kumain?" Athena

Iniangat ko ang kamay niya.

"Kita mo yan? Noong iniwan kita tamang-tama lang yan sa kamay ko. Sapat lang para magpang-abot ang daliri ko. Ngayon kahit hinliliit ko ang gamitin ko magkakasya pulsuhan mo diyan!"

"Tsk. Andrew parang bata." Athena

"Nagsalita ang matanda. Kumain ka na."

"Seryoso Andrew. Ayoko na kumain kasi kumain na ako sa labas. Maliligo na lang ako. Dito ka ba matutulog?" Athena

"Malamang! Kwarto ko naman talaga to. Ewan ko ba kung bakit inangkin mo na to."

"Aba! Talagang sinisigawan mo ko Andrew?! Porket okey na tayo sinisigawan mo na ako?" Athena

Nilapitan ko siya at niyakap. Talaga naman. Magkaasawa ka ng sumpunging kagaya niya, ewan ko na lang kung hindi ka mabaliw.

"Ikaw naman my. Nagpapaliwanag lang. I love you my. Pero tigilan mo na yung diet mo ha? Ayokong maging sobrang sexy ka. Dapat sa paningin ko lang ikaw maging sexy."

Possessive ako. Ayoko ng may ibang nagkakagusto sayo. Sana maramdaman mo yan Athena.

"Sa paningin mo lang talaga ako magiging sexy. Hala! Maligo ka na. Maliligo na rin ako." Athena

Tumayo na siya at iniwan ako sa sofa. Sa dating kwarto niya na lang ako maliligo. Nakalimutan ko ng pagod pala ako pagkadating ko. Athena kasi.

Naligo na ako at nagbihis. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Gusto ko na lang makasama si Athena.

Pagbalik ko ng kwarto, wala pa rin siya. Nasa banyo pa rin. Naririnig ko kasi ang lagaslas ng tubig mula doon.

Naisipan ko munang icheck ang emails ko. Baka kasi may urgent mail doon na kailangan kaagad ng reply ko.

Napamasahe na lang ako sa sintido ng pasadaan ko ng tingin ang mga emails. Halos lahat puro business.

Sasakit na naman ang ulo ko nito.



Athena's POV

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Tinitignan ko ang sarili ko sa full length mirror dito sa walk-in closet. Hindi ako komportable sa suot ko pero nandito na to.

Wooh. Inhale. Exhale.

This is it Athena.

Lumabas na ako mula sa walk in closet at nadatnan ko si Andrew na nasa study table ko at seryosong-seryosong nagtatype sa keyboard. Mukhang may problema siya dahil nakakunot ang noo niya habang itinutuon ang atensyon sa pagtatype.

Hindi ko maiwasang hangaan si Andrew. Napakaresponsable niya. Bilib din ako sa kanya dahil kahit na abala siya at maraming problema, gumagawa siya ng paraan para magkasama kaming dalawa.

Ramdam ko yung pagod niya kanina. Pagkadating ko ng mansyon kanina, alam kong pagod na pagod na talaga siya pero nakipagbiruan at nakipaglaro pa rin siya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang makonsensiya dahil sa ginawa ko sa kanya. Pinahirapan ko siya at inaway pa. Dumagdag pa ako sa problema niya.

Nilapitan ko siya habang nakasandal siya sa swivel chair. Nakapikit siya at nakatingala habang minamasahe ang sintido niya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang pinapamasahe niya sa sintido at ako ang nagmasahe ng sintido niya. Nanatili lang siyang nakapikit at mistulang ineenjoy ang ginagawa ko.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon