Ikaapatnapu't Isang Kabanata

36.2K 605 25
                                    

Athena's POV

Ilang araw na mula ng naganap ang engkwentro sa mansyon. Naging normal na naman ulit ang buhay namin maliban lang sa sandamakmak na security na nakabantay sa amin. Ayaw na daw kasi ni Andrew na maulit ang mga nangyari noon. Sino nga bang may gusto di ba?

At ngayong payapa na ang lahat, isang bagay pa ang pinoproblema ko sa lahat.

-____-

Exams na namin sa isang araw at kailangan ko na namang ibagsak ang mga exams ko.

"Hoy girl! Wala ka bang balak mag-aral?!" Pearl

Sabado ngayon at wala kaming pasok. Nagdesisyon silang manatili na lang dito sa mansyon at mag-aral. Kung hindi ko lang kaibigan tong mga to, iisipin kong sinasapian sila ng masamang espiritu. Nag-aral bigla eh.

"Guys. Punta daw dito ang zodiacs. Nagyayayang mag group study." Amethyst

Hindi pa rin maganda ang relasyon ko sa zodiacs. Mas tamang sabihin civilized ang pakikitungo ko sa kanila.

"Sige lang. Walang problema sa akin."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para sana maglaro pero nakita kong may text message si Andrew.

From: Andrew
Anong ginagawa mo?

Wala kasi sa mansyon si Andrew. Nasa opisina ito ngayon dahil marami itong trabahong kailangan gawin. Naayos na rin naman niya ang problema ng kompanya nila. Hindi lang pala na-audit yung three million.

To: Andrew
Nakaupo kasama ang mga gems. Ikaw?
PS: Kumain ka na ba?

From: Andrew
Hindi pa. Nasa meeting ako.

To: Andrew
Siraulo ka. Magfocus ka diyan sa meeting mo. Hindi sa pagtetext sa akin. Hintayin na lang kita dito sa mansyon. I love you.

From: Andrew
Namiss kasi kita. Sige. I love you more.

Pasaway na Andrew talaga oo. Akala mo naman hindi kami magkasama kanina.

"Hi girls!"

Napalingon ako sa pinto. Nandun na ang mga zodiacs. Kumpleto silang lahat. Lumapit sila sa amin tsaka nagkanya-kanya ng upo sa sofa.

"Tss. Nag-aaral kayo? Wag na kayong mag-aral!" Gemini

"Tss. May reputasyon kaming inaalagaan. Palibhasa kayo wala." Amethyst

"Paano kung sabihin ko sayong kayang-kaya naming ipasa yan ng walang aral-aral?!" Aries

Tss. Mga mayabang.

"Talaga? Ilang beses ka na bang naghigh school Aries?!" Pang-aasar ni Pearl

"Hoy pandak ka. Hindi porket pandak ka akala mo hindi kita papatulan. Makapagsalita to." Aries

"Makapagsalita ka Aries akala mo ang tangkad mo." Alexandrite

Akala ko ba mag-aaral tong mga to eh bakit mukhang nagkekwentuhan lang sila.

Tinignan ko si Leo na nakikingiti lang sa kanila. Hindi siya nagsasalita pero nakikingiti at nakikitawa lang siya.

Ito na siguro ang tamang panahon.

"Leo. Sumunod ka sa akin."

Tumayo ako. Natahimik silang lahat. Tumayo rin si Leo at sumunod sa akin. Nauna akong maglakad sa kanya. Nagpunta kami sa garden maze diretso sa gazebo. Gaya ni Andrew, gusto ko na rin tapusin ang lahat.

Nang makarating kami sa gazebo, siya na ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

"Bakit Athena?" Leo

She's the BossWhere stories live. Discover now