Ikalimampu't Siyam na Kabanata

30.8K 460 37
                                    

Andrew's POV

"Mahal pa rin kitang gag* ka."

Natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung kanino ang boses na yun. Sa tono ng boses niya alam kong umiiyak siya.

"Paano ba yan? Exit na muna kami. Moment niyo ng dalawa yan. Good luck boss." Saad ni Gemini.

Nagkanya-kanya na sila ng tayo at alis sa mga kinauupuan nila. Hindi ko pa rin niliingon si Athena. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Nangingibabaw ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging tunog ng alon at ng wind chime ang naririnig ko.

O__O

Nagulat ako ng bigla siyang pumwesto sa harap ko. Humihikbi-hikbi pa siya habang nasa harap ko siya at nakatitig lang sa akin. Gusto kong punasan ang mga luha niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Gag* ka ah!" Saad ni Athena.

O__O

**BOOGSH**

"ARAY! BAKIT KA NANANAPAK?!" Ang sakit ng sapak niya ha! Hindi birong masapak ng isang Athena Ricafort. Putcha pumutok labi ko. Babae ba talaga to?!

Hinatak niya ako patayo at sinapak. Nakahiga na ako ngayon dito sa bermuda grass ng garden habang hawak ang pumutok kong labi dahil sa pagsapak ni Athena.

"NAKAKAINIS KA!" Sigaw niya sa akin.

Bipolar tong babaeng to ah?! Nababaliw na naman to.

"Bakit naman naiinis sa akin? Anong ginawa ko sayo?" Pinilit kong tumayo pero bago pa man ako makatayo, umupo siya sa sikmura ko at akmang sasapakin na naman ako. Pumikit ako para hintayin ang pagdapo ng kamao siya sa mukha ko pero iba ang dumapo sa mukha ko.

Napadilat ang mga mata ko para masigurong tama ang hinala ko. At tama ako. Ang mga malambot na labi ni Athena ang nasa labi ko. Kusang namuo ang mga luha sa mata ko dala ng sobrang saya. Damn this girl. I missed her so much.

"Naiinis ako sayo dahil kahit na ikaw ang dahilan kung bakit ako naging barumbado, ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ako nagbago. Sana nga kaya kitang kamuhian. Hindi sana mahirap tanggapin yun kaya lang hindi ko magawa." Naiiyak na saad niya.

Automatikong pumunta sa mga pisngi niya ang mga hinlalaki ko at kusang nagpahid sa mga luhang walang tigil sa pagtulo sa mga mata niya.

"Andrew please wag mo na ulit uulitin yun. Wag mo na ulit ako tatratuhin ng ganun dahil mas masakit pa yung ginawa mong pambabalewala at pagiging cold mo kaysa sa nalaman kong ikaw ang nakabaril sa akin two years ago." Athena

"H-hindi ka galit?" Nanginginig pa ang boses kong tanong ko sa kanya.

Marahan siyang umiling. "Gusto ko. Gusto ko sanang kamuhian ka pero masyado kitang mahal para gawin yun. Nagalit ako hindi dahil sa nalaman ko. Nagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit sayo dahil ikaw ang pinakamamahal ko. I can never hate the man I love. Never." Athena

"Pero di ba sabi mo-" Inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig ko.

"Andrew, everything happened already. Lahat parte na ng nakaraan. Wala ng mangyayari at wala ng magbabago pa dahil nangyari na. Ang magagawa na lang natin ay ang kalimutan ang parteng yun ng buhay natin at magsimula ng masaya." Athena

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa ngayon. Napangiti ako sa sinabi niya at hinatak siya palapit sa akin para mayakap ng mahigpit. Namiss ko ng sobra ang babaeng to. Ang hirap magpanggap na galit ka at wala kang pakialam sa taong mahal mo. Ang hirap makitang nasasaktan siya at nahihirapan siya ng dahil sa pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko kaya.

She's the BossМесто, где живут истории. Откройте их для себя