Ikalimampung Kabanata

24.9K 481 33
                                    

Hindi malaman ng lahat ang gagawin. Halos patayin na nila Santillan at Razon ang isa't-isa sa mga titig nila. Parehas na nag-uumapaw ang galit nila sa isa't-isa. Si Andrew galit sa ginawa nila sa asawa niya. Si Razon ay galit dahil sa nangyari sa pamilya niya ng dahil sa pamilya ni Andrew.

Parehas silang may mabigat na dahilan. Parehas na handang lumaban. Kung nakakatunaw lang ang mga titig, malamang isa sa kanila ang bagsak na ngayon.

"OH MY GOD! SI ATHENA!"

Naagaw ang atensyon ng lahat ng dahil sa sigaw ni Pearl. Agad nilang nilapitan si Athena.

"SHT!" Sigaw ni Andrew.

Patuloy sa pag-agas ang dugo mula sa ibabang bahagi ni Athena. Nanatili itong walang malay at walang muwang sa mga kasalukuyang kaganapan sa paligid niya.

"My god. Buntis si Athena?" Usal ni Amethyst habang nakatakip sa bibig niya ang mga kamay.

Wala ng inaksayang panahon si Andrew. Hinubad niya ang polo niya at mabilis na sinuot kay Athena saka dali-daling binuhat ito. Halos takbuhin niya palabas ng campus nila para lang agad na maidala sa sasakyan si Athena. Lahat ng nadadaanan nila ay napapatigil dala ng gulat sa nakitang itsura ni Athena. Halos lahat malalaman at masasabi kung ano ang nangyari dito.

Pagdating sa sasakyan, pilit na ginigising ni Andrew si Athena. Hindi niya maiwasang hindi maluha sa itsura ng asawa.

Kasalanan ko to. Kung hindi ko siya pinabayaan, hindi sana mangyayari to.

Labis-labis ang paninisi ni Andrew sa sarili dahil alam niyang kaya ginawa ni Razon kay Athena iyon ay dahil sa masidhing galit nito sa kanya.

Pagdating sa ospital, agad niyang inilapag sa stretcher si Athena at hinawakan ang kamay nito habang tinatakbo papasok sa emergency room. Naiwan siya sa labas dahil hindi siya maaring pumasok sa loob.

Habang nasa loob si Athena, patuloy ang panalangin ni Andrew na maging ligtas ang mag-ina niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinagsama ang mga kamay at tahimik na nanalangin.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas mula sa emergency room ang doctor at ang isang nurse. Inabot nila sa akin ang isang papel at ballpen. Lalo akong naguluhan sa nangyayari.

"Doc? Ano to?" natatakot na tanong ni Andrew.

"Waiver yan. We have to remove the fetus inside her womb. You have to sign that now!" Utos ng doctor kay Andrew.

"But doc, wala na ba talagang ibang options?" Ayaw ni Andrew na pirmahan ang waiver. He knows how Athena loves their child. Alam niyang hindi nito nanaisin na mawala ito sa kanila.

"It's either the child or the mom." Kalmadong saad ng doktor.

Tinitigan ni Andrew ang waiver. Hindi niya binasa ang nandoon. Sa oras na pirmahan niya yon, mawawala sa kanila ang pinakamamahal nilang anak.

"Time is running Mr. Santillan." Paalala ng doctor sa kanya.

Pikit matang pinirmahan ni Andrew ang waiver. Patuloy sa pag-agos ang luha niya habang pinipirmahan ang waiver. Masakit. Yan lang ang tangi niyang nararamdaman. Pakiramdam niya siya na mismo ang pumatay sa sarili niyang anak.

Hinang-hina niyang inabot sa doktor ang waiver. Nagmamadaling pumasok ang doktor at ang nurse sa emergency room. Naiwang nanlulumo si Andrew. Nasuntok niya ang pader dala ng sobrang galit. Galit sa sarili.

I'm sorry Athena. I'm sorry baby.

Naiwan naman sa likod ng building kasama ng zodiacs at gems si Razon. Malakas na tumawa na parang wala ng bukas si Razon.

"Hayop ka talaga Razon." Saad ni Leo.

"Nakakatuwa pa lang makita ang ganun ano? Yung walang tigil sa pagdurugo ang mahal niyang asawa. Ngayon hindi niya alam kung mabubuhay pa ang panganay nila o hindi. Nakakatuwa. Ang gaan sa pakiramdam. HAHAHAHA!" Razon

Naikuyom ng mga lalake ang mga kamao nila. Handa na silang atakihin si Razon kung hindi lang sa pagdating ng mga guards ng pamilya Santillan. Isa-isa nitong kinuha ang mga lalakeng nakahandusay at pati na rin si Razon.

"Siguraduhin niyong makukulong yan. Kailangan niyan magbayad sa mga kasalanang ginawa niyan kina Andrew!" Paalala ni Leo sa mga tauhan ni Andrew.

Pinapanood nila ang isa-isang pagdadala sa mga lalake. Sinisigurado nilang walang makakatakas maski isa. Lumapit ang mga babae sa lugar kung saan nakahandusay si Athena kanina. Naiyak sila ng masilayan ang mga dugo na naiwan doon.

"Sht. This will be hard for them." Naiiyak na sabi ni Alexandrite.

"No one wanted it to end this way. Na kailangang may magsakripisyo pa ng buhay. An innocent life who wasn't even given the chance to see the world." Malungkot na saad ni Virgo.

At sa tila nakakaunawa sa kalungkutan ang langit, sumabay ang pagbuhos ng ulan. Ang kaninang maaliwalas na araw na naging madilim at pumatak ang ulan. Maski ang langit ay nakikiiyak at nakakaramdam sa sakit na nararamdaman nila.

"Stay strong Athena." bulong ni Amethyst.

Kahit na hindi nila alam ang totoong nangyari, ang kaganapan kanina ay sapat ng dahilan para malaman nila kung ano ang mangyayari kay Athena. Kumuha sila ng kandila at itinirik ito doon. Sa lugar kung saan huling nabuhay ang anak ni Andrew at ni Athena.

Umuulan pa rin noon ng magkamalay si Athena. Nagising siya sa isang puting kwarto. Nilinga-linga niya ang paningin. Hinang-hina siya at wala na siyang lakas. Kahit ang igala lang ang paningin ay hindi niya magawa dala ng sobrang panghihina.

Pilit niyang pinakiramdaman ang sarili. Ramdam niyang may kulang. Nang makita niya ang dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay niya, automatiko siyang napaiyak. Alam na niya ang nangyari. Kahit na walang magsabi sa kanya, alam na niya ang nangyari. Dagdag pa ang kakaibang pananakit ng ibabang parte ng katawan niya.

Umiiyak si Athena ng datnan ito ni Andrew. Alam ni Andrew na kahit hindi niya sabihin, alam na nito ang nangyari sa anak nila. Wala siyang ginawa kundi ang lapitan si Athena at yakapin ito ng mahigpit.

Patuloy na umiyak si Athena sa bisig ni Andrew. Bawat luhang lumalabas sa mga mata nila ay nagdudulot lalo ng sakit. Sakit dahil nawalan sila ng supling.

Walang salitang nagmumula sa kanilang dalawa ngunit sapat na ang mga hikbi at luhang inilalabas nila para maramdaman ng kahit na sino ang sakit.

Sa ganoong sitwasyon sila nadatnan ng mga kapamilya nila at mga kaibigan. Walang nagnais na magsalita. Nakatingin lang silang lahat sa kanilang dalawa at tahimik na nakiiyak sa kanila. Maaring hindi sila ang nakaranas ng ganun ngunit ramdam na ramdam nila ang lungkot at paghihinagpis ng dalawang kaibigan.

A/N: Last 10 chapters for STB. Naiiyak talaga ako habang tinatype tong chapter na to. :( I felt the pain for Athena and Andrew. :( Bye baby. :( Read, vote and comment.

Hello nga pala kay xmisSjV. Salamat sa pagsuporta sa STB at naappreciate ko ang palagi mong pangunguna sa pagcocomment sa STB. Maraming salamat. ^_^

She's the BossWhere stories live. Discover now