Ikalimang Kabanata

42.1K 905 55
                                    

Athena's POV

"Dito tayo titira." Andrew

Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Hindi pala malaki. Malapalasyong bahay. Doble ito ng laki ng mansyon namin.

Tss. Bakit kailangan na malaki pa ang bahay? Kahit nga bahay kubo pwede na. Tss.

Pumasok ako sa loob kasunod ni Santillan. Bumungad sa amin ang mahabang pila ng mga kasambahay. Mula sa grand straicase ng bahay na nasa gitna hanggang dito sa may pinto kung saan kami nakatayo ni Santillan.

"WELCOME HOME YOUNG MASTER." lahat ng kasambahay

Yumuko sila pagkatapos nila kaming batiin. Hindi pala. Si Santillan lang ang binati nila. May isang lalakeng lumapit sa amin, sa itsura ng pananamit niya, I can tell that he's a butler.

"Young master, nakahanda na po ang lahat at nakaayos na po ang kwarto ni Mrs. Santillan." Butler

"Good. Dalhin niyo na ang mam niyo doon at tsaka niyo siya asikasuhin." Andrew

Pagkasabi niya nun, umalis na lang siya sa tabi ko at nagpunta sa kung saan. Anak naman ng tokneneng na asawa to! Asawa ba talaga ang ganyan?! Bastusan lang? Basta-basta na lang akong lalayasan?!

"Dito po tayo Mrs. Santillan." Butler

Tinuro niya yung daan papunta sa grand staircase. Malamang sa second floor ang kwarto ko. Nauna akong maglakad sa kanya at nakasunod lang siya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung wala lang talagang common sense tong mga tauhan ni Santillan. Ako ang pinapauna eh bago lang ako dito. Tingin ba niya alam ko ang pupuntahan ko?

"Sandali nga."

Huminto ako sa pag-akyat sa hagdan. Napatigil lahat ng kasambahay na nasa sala din at gumagawa ng gawaing bahay.

"Bakit po Mrs. Santillan?" Butler

"Bakit ako ang pinapauna niyong maglakad? Mukha bang tagadito ako? Tingin mo alam ko ang pupuntahan ko?"

Yumuko yung butler tsaka nagsalita.

"Mrs. Santillan, ginagawa po namin yun as courtesy." Butler

"Ah f*ck that courtesy! Mauna ka! Hindi ko alam ang daan papunta sa kwarto ko."

"Masusunod po Mrs. Santillan." Butler

Nauna na siya sa akin at tsaka ako sumunod sa kanya. Mga tonta pala tong mga tauhan ni Santillan. Tss.

Andrew's POV

Napapailing na lang ako sa nasaksihan ko. Nakita ko yung pambabasag ni Ricafort sa butler nitong mansion. Kahit kailan talaga ang kabastusan at kagaspangan ng ugali niya ang pinapairal niya.

"Young master, oras na po para maghanda kayo sa pagpasok sa eskwela." Gary

"You don't have to remind me of every single thing that I should do. I can manage myself. Tell my wife to prepare as well."

"Yes young master." Gary

Pumasok ako sa kwarto at tsaka nahiga sa kama. Isang araw pa lang ang nakakalipas pero napakalaking pagbabago na ang nangyayari. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga pagbabagong to sa buhay ko.

Athena Ricafort-Santillan is now my wife. I never imagined being married to someone. Ang nasa isip ko lang, mapatakbo ko lang ng maayos ang kompanyang pinalago ng mga magulang ko bago sila maaksidente.

Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Ricafort lalo na at hindi kami magkasundo. Kahit kailan hindi kami nagkasundong dalawa.

**TOK**TOK**

She's the BossWhere stories live. Discover now