Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata

29.6K 540 14
                                    

Athena's POV

Nakahiga lang ako dito sa kama sa kwarto namin ni Andrew. Wala talaga akong ganang magkikikilos. Ewan ko ba.

Gusto kong pigilan si Andrew pero parang ayaw ko rin. Minsan lang ang mga ganung opportunity kaya hindi dapat palampasin.

Alam ko namang pwedeng-pwede akong sumama sa kanya at mag-aral din doon pero alam ko namang hindi ako makakapasok sa university na papasukan niya.

Kampante akong mahal ako ni Andrew. Pero paano kung habang nandun siya ay makahanap siya ng babaeng MAS sa akin at marealize niyang hindi niya pala ako mahal?

Natatakot din ako sa mangyayari sa akin kapag umalis siya.

Hinaplos ko ang tiyan ko. Kung may laman ka sana may dahilan ako para pigilan si Andrew kaya lang, alam ko sa sarili kong wala.

Pipigilan ba kitang umalis o hindi?

Andrew's POV

Kadarating ko lang ng mansyon at sabi nila nasa kwarto daw si Athena. Magmula ng dumating daw ito ay hindi na ito lumabas pa ng kwarto.

Dumiretso ako sa kwarto namin. Nadatnan ko siyang nakahiga pero gising. Nakatulala itong nakatingin sa kisame. Malamang malalim ang iniisip nito.

"Athena." Pagtawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa direksyon ko at doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya.

"Nakauwi ka na pala." Pilit ang ngiting bati niya.

Inilapag ko ang bag ko sa table at tumabi sa kanya. Umupo rin naman siya pero nanatiling nakatungo.

"May problema ba?"

Umiling siya tsaka sumagot. "Wala. Pagod lang siguro ako."

"Dahil ba to sa scholarship?"

Napaangat siya ng tingin at doon ko nakita ang mga luhang namumuo sa mga mata niya.

"Ayaw mo ba akong umalis?"

Hindi siya sumagot pero nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang binabasa niya kung gusto ko nga bang umalis o hindi.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinisil ito.

"Sabihin mo lang na wag akong umalis hindi ako aalis Athena."

Nanatili siyang walang imik. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko habang unti-unting dumadami ang mga luhang namumuo sa mga mata niya.

Nasasaktan akong nakikita siya ng ganito. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak ng dahil sa akin. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko.

Tumulo na ng tuluyan ang mga naipong luha sa mga mata niya kasabay ng isang pilit na ngiti.

"Andrew naguguluhan ako ... Gusto kong wag kang umalis ... pero ayokong pigilan ka sa mga pangarap mo ..." Saad niya kasabay ng mga hikbi.

"Gustuhin ko mang manatili ka lang sa tabi ko parang ayoko. Alam kong pangarap mo yan. Future mo ang nakasalalay diyan." Athena

Pinahid ako ang mga luhang nasa pisngi niya. Ayaw niyang tumigil sa pag-iyak.

"A-Andrew may magandang future na naghihintay sayo sa America. Yung opportunity na yun minsan lang kaya tanggapin mo na." Athena

Nagulat ako sa sinabi niya. Inaasahan kong pipigilan niya akong umalis. Hindi ko inaasahang pipilitin niya akong umalis.

Gamit ang isang kamay niya, hinaplos niya ang pisngi ko.

"Wag mong isiping tinataboy kita kaya ako pumapayag na umalis ka. Wag mo ring iisiping hindi na kita mahal kaya ako pumayag." Athena

She's the BossWhere stories live. Discover now