Ikaapatnapu't Limang Kabanata

29.9K 502 10
                                    

Athena's POV

Sabado ngayon at walang pasok sa school pero may pasok sa opisina si Andrew kaya kailangan na niyang bumangon.

Pero ayaw niyang bumangon. Nakahiga lang siya sa kama at nakadapa. Pinantakip niya pa sa ulo niya yung isa naming unan. Naiingayan na siguro sa akin.

"Andrew naman. Gumising ka na. May meeting ka pa ng 10 am. Kanina ka pa tinatawagan ng secretary mo. Irereview mo pa daw yung ibang files bago ang meeting. Bumangon ka na diyan." Sabi ko habang inaalog ang balikat niya.

Tinabig naman niya ang kamay ko.

"Athena naman. Pinuyat at pinagod mo ko kagabi tapos ngayon gigisingin mo ko ng maaga. Ayos lang malate ako. Hindi naman mag-uumpisa ang meeting ng hindi ako pumupunta doon." Andrew

At ang lanjong to?! Ako pa ang sinisi sa pagkapagod at pagkapuyat niya!

Kinuha ko ang unan ko at hinampas yun sa hubad niyang katawan.

"WALANGHIYA KA TALAGA! SINO BA ANG NAGSABI SAYONG GAWIN NATIN YUN?! IKAW TONG NAGPUPUMILIT TAPOS NGAYON AKO SISISIHIN MO?!"

Hindi ko siya tinigilan kakahampas kahit na nagrereklamo na siya.

"A-ANO BA! TUMIGIL KA NA!" Ganting sigaw niya.

"WALANGHIYA KA TALAGA! BUMANGON KA NA DIYAN AT PUMASOK KA NA SA OPISINA MO! WAG KANG MAG-AALALA DAHIL YUN NA ANG HULI SA BUONG BUHAY MO!"

Tumalikod na ako sa kanya at akmang lalabas ng kwarto ng magsalita ito.

"Okey lang. Marami namang ibang babae diyan." Sabi niya sabay pasok sa banyo.

Talaga naman. Ang lakas ng loob niya.

Padabog kong sinara ang pinto at pumunta na sa dining area.

Akala mo ikaw lang? Kaya ko din manlalake. Humanda ka talaga Andrew.

Andrew's POV

Nakakabwusit si Athena. Pwede naman akong gisingin ng maayos kailangan pa talagang bugbugin ako.

At kasalanan ko pa talagang napuyat kami pareho. Ginusto din naman niya yun.

Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko kanina. Masyado kong mahal si Athena para maghanap pa ng iba. Sadyang uminit lang ang ulo ko dahil sa maagang pambubulyaw niya.

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako sa dining area at nadatnang kumpleto sila doon. Kabilang sina Hera, Ezekiel at ang zodiacs. Napapadalas na ang pag-aagahan nila sa bahay namin. Wala bang pagkain sa mga bahay nila?

Tahimik silang lahat ng pumasok ako. Si Athena naman ay nakaupo sa kabilang dulo ng long table kaharap ko. Ano na namang trip niya at doon siya nakaupo?

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang din ako at sinimulan ang pagkain. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

"Uhmmm, you two are weird. Your not so cheesy and so sweet this morning. Did the two of you make away?" Takang tanong ni Denice.

Parehas lang namin siyang tinignan pero pareho kaming hindi nagsalita.

"Ah. No need to salita. It's obvious na." Denice

Nakatingin lang din sa amin ang mga kasama namin sa hapag kainan. Si Athena dire-diretso lang na kumakain.

"Nga pala kuya, may birthday party ang kaklase ko. Pupunta sana ako." Pagpapaalam ni Denise.

"Ayos lang pero magsama ka ng guards."

"Sige kuya." Denise

"Tapos na ako." Tumayo na si Athena at umalis na ng dining area. Naiwan namang nagtatakang nakatingin sa akin ang mga kasama ko.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon