Unang Kabanata

58.5K 1K 69
                                    

Andrew's POV

Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nakita ko kahapon. Ang isa sa mga siga ng paaralan? Titiklop sa isang babae? What the hell?!

Naglalakad-lakad ako para sana inspeksyunin ang grounds para sa mga nagcucutting class na estudyante. Pero ano pa nga bang aasahan ko? The one and only Athena is here. Breaking our rules once again.

"Ms. Ricafort. Ikaw na naman?!" Umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang babaeng to. Isa siyang napakalaking sakit sa ulo!

Ngumunguya pa ito ng chewing gum habang matamang nakatingin sa akin.

"Bakit Santillan? Nagpaplastic surgery ba ako? Malamang ako to." Athena

Kalma lang Andrew. Babae yan. Hindi yan dapat pinapatulan.

"Wala ka bang common sense Ms. Ricafort?"

"Baka ikaw ang walang common sense Santillan. Nakita mo na ngang ako to sasabihin mo pang 'ikaw na naman?!' Sabihin mo. Sinong walang common sense?" Athena

Sa dinami-dami ng paaralan dito sa Quezon City bakit ba dito pumasok yan? Hindi pala matatawag na pagpasok ang ginagawa niya. Pamamasyal sa buong campus ang ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo diyan sa fire exit at prente ka pang nakasandal diyan? Hindi mo ba nakikitang marupok na ang bakal niyan?"

Totoo naman. Kinakalawang na yung bakal na sinasandalan niya. Mamaya madisgrasya pa siya sagutin pa ng paaralan yan.

"Ah. Eto ba?" Athena

O____O

"ANONG GINAWA MO?! BAKIT MO SINIPA YAN?!"

Napapasigaw ako sa problemang dinudulot niya sa buhay ko. Akalain niyo bang sipain na yung marupok na parte nung bakal dahilan para mabutas yon. Nagbigay na naman siya ng panibagong problema sa akin.

"Tinutulungan naman kita. Siguro naman mapapaaga na ang pagpapaayos nitong fire exit. Medyo kabado na rin kasi akong umapak dito. You see?" Pumadyak siya ng malakas dahilan para mabutas ang inaapakan niyang parte nung bakal.

"Marupok na rin to. Magfifire drill pa naman tayo next week baka maaksidente yung iba." Athena

Umalis na siya sa harap ko tsaka pumasok sa classroom nila. Nasa third floor kasi ang classroom nito.

Napatingin ako sa parte ng fire exit na sinira niya.

Haaaay. Ricafort. Problema ka talaga sa buhay.

Athena's POV

"Oh! Himala pumasok ka sa klase niyan?" Hera

"Ano pa nga ba. Nakita na naman ako ni Santillan."

Hindi ko talaga gustong pumasok. Sadyang nakita lang ako nung pakialamerong si Santillan kaya nandito ako ngayon sa classroom.

Siguro marami sa inyo iniisip na bulakbol ako. Siguro din iniisip niyong emo ako dahil sa pananamit ko. Oo. Medyo weird ang pananamit ko. All black maliban sa uniform. Nakalipstick na black. Makapal na eyeliner. Well this is my style. Live with it.

Mabait naman ako sa mabait. Masama ako sa masama. Yan lang naman ang rule ng buhay. Let's face it. The reality is that we treat persons differently based on how they treat us too. If they are a bitch, be a bitch as well. Kung orocan sila, maging orocan ka rin.

Learn to play with your enemies. That will be the sweetest revenge you can do.

At yan ang ginagawa ko kay Santillan. He loves pissing me off. I'll return to him the favor.

Everyone was staring at me as I am sitting quietly on my chair. Is it too much to see that I am in their classroom?

Umubob na lang ako at tsaka sinimulang umidlip.

One thing I hate the most is having attention.

In the first place, I don't need their f*cking attention.

Hera's POV

Tignan mo tong si Athena. Natulog na naman. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Napakatamad.

Hello. Ako nga pala si Hera Montez. Bestfriend ko lang naman tong si Athena na wala ng ginawa kundi matulog sa klase.

Childhood friends kaming dalawa. Medyo nakakatakot siya no? Wala eh. Alam niyo yung feeling na may nakapaligid na bad aura sa kanya palagi? >_< Sad but true!

Napapaisip nga ako minsan, kung magkalovelife kaya ang babaeng to,magbabago kaya siya?

Hopeless romantic ako! Umaasa akong mapapabago ng pag-ibig ang bestfriend ko. Wala namang masama di ba? Malay naman natin.

Kaso sa lahat ata ng iniisip ko, yan ang pinakamalabo. NBSB si bestie. Takot lumapit ang mga lalake sa kanya eh. >_< Amasona kasi si bestie.

"Get ¼ sheet of paper. Magququiz tayo." Mam Genarez

WAAAAAAAAAH (/_\) (T_T)

Lord! Wish me luck! >_<

Tinignan ko yung katabi ko kung may papel ba siya. Don't get me wrong. May papel talaga ako. Tinatamad lang akong magbukas ng bag at kunin yun.

Pero dahil estudyante kami at likas na talagang madamot ang tao, hindi nila ako binigyan. *pout* Papel lang ipagdadamot pa eh. Nakakainis yung mga ganun. Minsan sasagutin ka pa ng ...

"ANG PAPEL BINIBILI. HINDI HINIHINGI!"

*pout*

Madali naman sabihin na "Madamot ako! Hindi ako mamimigay." Hindi naman magagalit eh.

Napalingon ako kay Athena at nakita ko siyang natutulog. Kinuha ko ang bag niya tsaka kumuha doon ng papel.

Aba, siya lang ata ang estudyanteng kumpleto sa gamit pero hindi nag-aaral. Nagpapabigat lang ng gamit ang trip niya.

Ilang minuto lang ang lumipas, natapos na kaming magquiz.

(T____T)

Nanlulumo ako Lord. Walang pinagkaiba ang score ko sa score ng katabi kong mahimbing ang tulog.

ZERO LANG NAMAN DIN AKO >_<

Oh Lord. Patawad po. >_<v

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon