Ikaapat na Pung Kabanata

31.2K 549 11
                                    

Athena's POV

Napasigaw ako ng makita kong naliligo sa sariling dugo niya si Denice!

Agad kong hinawakan ang wrist niya at pinakiramdaman kung may pulso pa siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang may pulso pa siya. Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng dugo. Iniangat ko ang pajamas na suot niya. Sa pagtataka ko, wala akong nakitang kahit na anong sugat sa kanya.

"ATHENA ANONG-" Pasigaw na sabi ni Andrew.

Natigilan ito ng makitang naliligo sa dugo si Denice at walang malay tao.

Nanginginig itong lumapit kay Denice tsaka binuhat.

"Denice ... Denice ... please wake up. Wag mo kong takutin ng ganito Denice. Denice!" Hinigpitan ni Andrew ang pagkakayakap kay Denice dahil wala siyang malay. Nakikita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya at pinilit siyang kalmahin. Hinawakan ako ang mukha niya at pilit na pinaharap sa akin.

"Andrew. Calm down first. Buhay si Denice. She's just sleeping. Malamang pinaamoy siya ng pampatulog kaya hindi magising kahit na anong gawin natin. I think the blood was from the maids. It's not her blood."

"How sure are you?" Andrew

"I checked her whole body for possible stab wounds. Wala akong nakita maski isa. I'm sure she's safe."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Andrew. Dala marahil ng luwag ng dibdib. Nawala na ang pag-aalala sa mukha niya. I wiped away his tears. He just loves his sisters so much. After all, they are the only family members left in their family.

Pinalabas namin ang mga guards sa kwarto para mapalitan na ng pantulog. Inihigang muli ni Andrew si Denice sa kama at kinumutan.

He really was moved by this situation. Tahimik pa rin siya. Hindi niya ako kinakausap o ang kahit na sino.

Huh?

Habang nakaupo sa tabi ni Denice si Andrew, may naamoy akong pabango ng lalake. Alam kong hindi kay Andrew yung amoy. Sa ibang tao.

Hindi kaya?

Pinag-aralan ko ang buong kwarto ni Denice. Walang kahit na anong pwedeng daanan palabas dito. May sliding windows nga dito pero pinakabitan ni Andrew ng grills ang mga bintana sa mansyon matapos yung nangyari noong debut ko.

Tumingala ako. Impossible ring sa kisame dahil sementado ang kisame ng mansyon. Hindi ito kagaya ng iba na kahoy kaya pwedeng gawan ng daan.

Ang parteng yun.

Ang parteng yun ng kama ni Denice. Queen size bed ang kama nilang dalawa ni Denice. Ang kaibahan lang ay may parang bubong ang kay Denice at wala kay Denise.

Possible kayang?

Umupo ako sa sofa na katabi ng kama ni Denice. Ginawa ko yun para sana silipin ang ilalim ng kama. Walang tao.

Hindi kagaya ng kwarto naming dalawa, walang walk-in closet tong kwarto nila kaya maliban sa nasa isip ko, banyo na lang ang possible niyang pagtaguan.

Pasimple akong pumunta sa banyo. Wala akong nakitang tao.

Bingo!

"Andrew, tawagin na lang natin sina Pearl at Ruby. Sila na lang muna ang bahalang magbantay sa kapatid mo. Sina Amethyst at Quartz ang kasama ni Denise. Kailangan mo ng magpahinga." Pakiusap ko sa kanya. Kitang-kita ko kasi sa kanyang hindi niya iiwanan ang kapatid niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pasimpleng tinext si Amethyst.

To: Amethyst
Search the entire room. Baka may nagtatago diyan.

She's the BossWhere stories live. Discover now