Ikadalawampu't Pitong Kabanata

30.2K 538 8
                                    

Amethyst's POV

"Athena, kumain ka na."

"Wala akong gana. Lumabas na kayo. Pagod na ako. Magpapahinga na ako." Athena

Muli siyang nahiga sa kama at tsaka nagtaklob ng kumot. Napabuntong-hininga na lang ako.

Lumabas na ako ng kwarto nila at tsaka nagtungo sa receiving area kung nasaan ang mga babae.

"Ano? Kumain ba?" Ruby

"Hindi."

Tatlong araw na ng biglang mawala si Andrew. Hindi naman siya kinidnap o kung ano pa man pero umalis lang talaga siya ng bansa ng walang pasabi. Alam namin dahil halos mabaliw si Athena sa kakahanap kay Andrew nung nalaman niyang wala ito sa mansyon tatlong araw na ang nakakaraan.

Flashback

Three days ago ....

**TOK**TOK**

"Pasok."

Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nun si Athena. Balisang-balisa ang lola niyo at mistulang nagmamadali at may hinahanap.

Napakunot ang noo ko sa inaasal niya.

"Anong problema mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Si Andrew ba dumaan dito?" Athena

O___O

"WTH?! Paano naman mapupunta sa kwarto ko si Andrew?!"

Nagulat ako sa tanong niya. Nang masagot ko ang tanong niya ay dali-dali siyang lumabas.

Tignan niyo yun, bastos talaga. -_-

Nag-ayos na ako at tsaka lumabas ng kwarto. Nadatnan ko ang mga kasambahay na aligagang-aligaga kakatakbo kung saan-saan.

"Hoy! anong nangyayari dito? May giyera ba?" tanong ko kay Ruby na nakaupo lang sa sofa at nakatingin sa mga kasambahay na parito at paroon.

"Mukhang hinahanap nila si Andrew." Quartz

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Huh? Anong sinasabi mo? Bakit? Nakidnap ba si Andrew?!"

Bigla namang dumating si Sapphire.

"Naks! Nag-aalala siya. Tatalunin mo pa ata yung pag-aalala ng asawa niya ah. Iba talaga si Andrew! Lakas ng appeal." Sapphire

-_-

"Seryoso ako. Ano nga?"

"Mukhang umalis si Andrew ng hindi nagpapaalam kay Athena." Alexandrite

"Pero, okey pa naman sila kahapon di ba? Halikan nga ng halikan eh." Pearl

"Baka kasi mahihirapan si Andrew na magpaalam kay Athena. Kita niyo naman in love na in love yung dalawa eh." Alexandrite

Kahit sabihin nila yan, iba ang kutob ko sa nangyari sa kanila.

Napatingin ako kay Athena na bagsak na bagsak ang balikat na naglakad papunta sa kwarto nila.

End of Flashback

Kitams? Sinong mag-iisip na walang nangyari? Mula noong araw na nawala si Andrew, ayan na siya at nagmumukmok sa kwarto nila.

Pinagtatakahan ko lang ay kung bakit hindi niya sundan si Andrew kung nasaan man siya kung namimiss niya na siya. May pera naman siya at kayang-kaya niyang sundan si Andrew kahit saan man siya nagpunta.

Gusto ko sanang magtanong pero mukhang hindi makakatulong sa sitwasyon niya ngayon yun. Gusto ko sanang pagaanin ang loob niya pero hindi ko alam kung paano dahil hindi ko rin alam kung paano sila nauwi sa ganyang sitwasyon.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon