Ikatatlumpu't Walong Kabanata

31.8K 554 9
                                    

Andrew's POV

Kakauwi ko lang ng bahay at hanggang ngayon ay wala pa rin si Athena dito.

Hanggang kailan ba kami maghahanapan? Aaminin ko naman na nahihirapan na ako sa sitwasyon naming dalawa. Mag-aaway, magbabati, mag-aaway ulit. Mas matagal pa ata yung mga panahong magkaaway kami kaysa sa magkabati kami.

Napahiga ako dito sa sofa ng mansion. Pagod na pagod na talaga ako.

Galing ako ng opisina at may problema ang kompanya namin. May nawawalang three million sa pera ng kompanya namin. Wala namang problema sa kompanya nila Athena. Maayos naman ang kompanya nila.

Itinakip ko ang braso ko sa mga mata ko. Kung sakali mang dumating si Athena, wala na akong lakas na makipagtalo pa sa kanya. Malamang hindi pa kami magkakaayos nito.

Pasensya naman! Pagod lang talaga ako!

Habang nakapikit ako, nakakarinig ako ng tunog ng paglakad. Habang tumatagal, palakas ng palakas ang mga yabag. Mukhang palapit ito sa akin.

Baka naman kung sino lang yan. -_- Makatulog na nga lang.

ZZZZZZZzzzzzzz ...

**ACCCCCCCCK**

May lapastangang humawak sa necktie ko dahilan para masakal ako.

"ANAK NG!"

O_O

Si Athena?! Hawak-hawak niya pa rin ang necktie ko.

"Ano?! Anak ako ng ano?!" Mas lalo pang hinatak ni Athena ang necktie ko dahilan para mas lumapit ako sa kanya. Kung hindi ako lalapit, mamamatay ako sa sakal! >_<

Napakabrutal talaga nitong babaeng to. Bakit nga ba mahal na mahal ko to eh gustong-gusto akong patayin nito!

"Di ba hinahanap mo ko? Bakit parang sa itsura mo kanina ayaw mo kong makita?" Athena

Hinapit ko siya sa bewang at pinaupo sa hita ko.

"My naman. Napagod lang ako at nagulat. Sino ba kasi may sabing hatakin mo yung necktie ko? Eh kung hinalikan mo ko? Baka natuwa pa ako."

=_______= <---- Athena

"Santillan, ipapaalala ko lang na may pitong araw ka pang alila ko kaya magtino ka diyan. Saan ka nga ba nakakita ng amo na nakakandong sa alila niya?! ABA! Sinuswerte ka ata?" Athena

Natawa ako sa sagot niya. Maswerte talaga ako. Sabihin niyong hindi di ba ipapakita ko sa inyo kung gaano ako kaswerte.

"Ikaw ang swerte sa akin dahil mahal na mahal kita."

Nawala lahat ng pagod ko dahil yakap-yakap ko si Athena habang nakakandong siya sa akin. Kung pwede lang matulog sa ganitong posisyon, matutulog na ako.

"Naku, daming alam. Wala ka bang planong magpaliwanag?" Athena

Bahagya ko siyang inilayo mula sa akin upang tignan ang mukha niya kung seryoso siya o hindi. Sa nakikita ko seryoso talaga siya.

"Papakinggan mo ako?"

"Syempre. Kaya nga pinagpapaliwanag kita di ba?" Athena

Hindi ako makapaniwala. Nagpaulan ba si Lord ng kabaitan kanina at nasalo ni Athena ang lahat? Lord, sana araw-araw ka pong magpaulan ng kabaitan at araw-araw din makasalo si Athena ng kabaitan.

"Saan mo gustong simulan?"

"Sa kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Noong bigla kang umalis." Athena

Huminga ako ng malalim. Ito na yung pagkakataong hinihintay ko. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong hahayaan niya akong magpaliwanag.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha at tinitigan siya ng diretso sa mga mata.

She's the BossWhere stories live. Discover now