Previous Page of 3Next Page

We Are Married?!

Dedicated to
queenberry
spinner.gif

I dedicate this to her! :)

---

 

 

"Manang aalis muna ako, susunduin ko lang si Lawrence wag na po kayong magtanong kung bakit basta okay bbye!" Mabilis na sabi ni Noneen habang sinusuot ang sapatos.



 

 

"Teka, hija anong oras na--" Hindi na naituloy ni Manang ang sasabihin dahil nakalabas na si Noneen at sinara na nito ang pinto. Napabuntong hininga sya. Kahit kelan nga naman. Isip nito. Iba kasi pag si Noneen na ang nag-alala. 



 

 

Pumara ng taxi si Noneen at agad na pumunta sa sinabing bar ng nakausap nya sa phone ni Lawrence. Sa totoo lang, di sya mapakali pero at the same time nagtataka sya. Bar? Halos para kasing hindi na ugali ni Lawrence ang pag punta dun. Kung di nga sya nagkakamali, di na pumupunta ang asawa dun. Kaso, anong meron ngayon at bigla syang bumalik sa bar?



 

 

Lawrence, ano bang problema?



 

 

Hindi nagsasabi si Lawrence sa kanya ng problema nito o kahit ano, ni hindi nga ito nagoopen up sa buhay nya. Basta ang alam ni Noneen. Sya si Lawrence Alcantara, isang masungit na teacher niya. Yun lang. 



 

 

Huminto na ang taxi at nagbayad sya. Pumasok sya sa bar, pinapasok naman sya kaagad dahil nga nagbilin na si Matt sa guard. Medyo madilim yung paligid pero medyo konti na lang din ang mga tao. Tumingin tingin si Noneen sa paligid at biglang isang tao ang nakahagilap ng mata niya. Si Lawrence...



 

 

Nakadukmo sa counter. Habang napapaligiran ng maraming bote ng beer.



 

 

Napahinto sya sa pwesto niya. Kakaibang Lawrence tong nakikita ng mga mata niya. Malayong-malayo sa araw araw na kasama niya. Napabuntong hininga siya. Nilapitan niya ito tsaka pinalo sya ulo.



 

 

"Hoy ikaw gurang ka! Maglalasing ka na lang magisa ka pa! Aba lintek, ano ako yaya mo para sunduin ka! Sa susunod nga sa bahay ka na lang iinom para dun ka sa sofa babagsak okay?!" Sigaw ni Noneen kay Lawrence. Nakita nyang gumalaw ito at tumingin sa kanya habang medyo napipikit pikit ang mga mata.



 

 

"Nyeee.." Bulong nito tsaka ngumiti. Inirapan lang sya ni Noneen. Nakita naman niyang may biglang lumapit na lalaki sa kanila.



 

 

"Ikaw ba si Noneen?" Tanong nito sa kanya. Tumango naman siya. Nakita niyang ngumiti ang lalaki at inabot ang kamay niya sa kanya.



 

 

"Matt. Ako yung tumawag sayo kanina. Nice meeting you." Sabi nito habang nakangiti. Inabot naman ni Noneen ang kamay niya. 



 

 

"Ah..eh hehe salamat po Kuya at hindi nyo iniwan tong gurang na to." Sabay tingin ng masama kay Lawrence na pilit umiinom sa isang boteng walang laman. Napailing naman sya. 



 

 

Mga lalaki kung malasing wagasan.



 

 

"Hmm, hindi ko naman kayang iwanan yan. Kaibigan nya ako, dating schoolmate. Ikaw ba ang bagong girlfriend niya?" Napalunok naman si Noneen sa tanong ni Matt. Patay anong sasabihin ko? Na hindi asawa na nya ako actually? Isip nito.



 

 

"Ah..h-hindi! A-ano lang...ah..."



 

 

"MU?"



 

 

"H-ha? H-hin--"



 

 

"Ano ka ba, hindi na uso MU. Wag mo nang indeny, haha finally nagkaroon na rin to ng matinong girlfriend. After many many years." Sabi ni Matt at tsaka tinapik ang likod ni Lawrence.



 

 

"Fhare..hik! I-isha fa.." Sabi ni Lawrence habang hawak hawak ang isang bote.



 

 

"Pare andito na girlfriend mo. Uuwi na daw kayo." Sabi ni Matt habang inagaw ang bote kay Lawrence. Para namang nasamid si Noneen sa pagkakasabi ni Matt. Girlfriend? O baka girl friend?



 

 

"Gir..fwend? Hik! Haha! Hik!" Sabi ni Lawrence. Pero umiling-iling lang si Matt.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (192)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter Fourteen

Who's Reading

Recommended