Chapter Thirteen

306K 2.9K 247
                                    

I dedicate this to ate! Hihi, basahin nyo yung story nya. Yung sweet scandal. Cute yun hehe, nagpromote ba. XD

---

Natalie Sanchez confirmed to be dating the  football star John Mercado.



"HUWAAAAAAAAT???!!!" Sigaw ni Noneen habang binabasa ang article sa dyaro. Kumakain sila ng umagahan ngayon. Di siya makapaniwala. Headline pa ito ng dyaro binabasa niya.



"What the hell Nee! Umaga umaga naman oh!" Angal ni Lawrence na kumakain. Nanlaki ang mga mata ni Noneen. Umiling-iling siya.



"HINDI PWEDE TONG MANGYARI EH ANG PANGET PANGET NUNG JOHN MERCADO NA YUN EH! MUKHANG ASO!" Sigaw ni Noneen. Habang hinampas ang dyaro sa table. Tuwing sunday na nga lang sila nagoorder ng dyaro tapos eto pa makikita niya sa front page? Di niya tanggap. Ayaw kasi ni Noneen si John para sa idolo niyang si Natalie. Para sa kanya mas bagay ang co-star nito sa nakaraan niyang penikula. Die hard fan nga sya ng loveteam nila eh.



"Shut up Nee." Malamig na sabi ni Lawrence. Pero sumimangot pa rin Nee.



"NAKAKAASAR NAMAN KASI EH! MAS BAGAY SILA NI PAPA JAMES KO! BAKIT KASI WALANG TASTE MAN LANG TONG SI MS. NATALIE!" Para namang natigilan si Lawrence sa narinig niya. Isang pangalan na parating nagpapaiba ng mood niya, isang pangalan na parating nakakatawag ng atensyon niya, isang pangalan na..



nagpaasa sa kanya.



"Ano kamo?" Tumingin si Lawrence kay Noneen.



"Sabi kasi sa dyaro Natalie Sanchez is confirmed to be dating that football star who looks like a dog! Ehhh! Mas bagay sila ni James eh! Nakakaasar!" Reklamo ni Noneen habang nakasimangot at nilalaro-laro ang pagkain. Agad naman na kinuha ni Lawrence ang dyaro sa table.



Para syang nabato sa kinauupan niya.



Nanaman? Isip niya. 



"Di ba hindi sila bagay? Mukhang aso yung lalaki. Nakakaasar tala--" Nagulat si Noneen ng biglang bitawan ni Lawrence ang dyaro tsaka ito tumayo ng padabog. Nakita niyang seryoso ang mukha nito.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon