Chapter Thirty Nine

27.1K 661 18
                                    


"I want a complete family, Onie. Ibigay natin 'yon sa magiging anak natin. Magkakaanak na tayo. Nagbunga na ang pagmamahalan natin."

Ang sabihin ni Dayana na magkakaanak na sila ay para siyang nanalo sa lotto. Gustong gusto niyang magtatalon sa tuwa at isigaw sa mundo na tatay na siya. Pero... "I'm sorry yana. But i can't marry you." Aniya saka humiwalay sa mga yakap nito.

Namukal ang luha sa mga mata nito. "But why? Diba ito ang pangarap natin? Ito ang plano natin? To have a complete family?"

Frustration ruled his mind. Mukha ni Marie ang umuukit sa isip niya habang umiiyak at tinatanaw siya. Hindi niya gustong mangyari iyon. Pero paano ang anak nila ni Yana? He's a jerk!

"Because I'm in love with someone else."

Yana's eyes grew bigger. Hindi niya gustong sabihin iyon pero kailangan. Alam niya sa sarili niya na lolokohin niya ito kung papakasalan pa rin niya ang dalaga. Kung bubuuin pa nila ang mga plano at pangarap nila kung iba na ang mahal niya. "N-No... Sinasabi mo lang yan kasi masama ang loob mo sakin. Please don't do this. We need you. Our child needs you."

Hinawakan niya ang mga kamay ni Yana. "I can support the baby. I can be a father to our baby pero hindi na kita kayang pakasalan. Call me jerk. Pero may mahal na akong iba." Sigurado na siya, si Marie ang gusto niyang makasama habambuhay. She's the one that he want to spend the rest of his life. "I'm sorry... "

He went out to his office. Mas masasaktan niya si Dayana kung patuloy niyang aamimin dito na hindi niya na ito mahal. Love can fade, but true love never was.

Humakbang siya ng matapakan niya ang puting sobre. Nasa tapat na iyon ng lamesa ni Beverly. He was assumed that it was a office documents kaya dinampot niya. Ilalapag sana niya iyon sa table ng sekretarya niya when he saw a name of a certain hospital and the doctor name. Nagkaroon ng matinding kuryosidad ang isip niya kaya binuksan niya iyon.

Test results. And above the paper was Tessmarie De Leon, written in the blank space. "S-she's pregnant---too." Napahilamos siya ng mukha. Alam na niya na dumating si Marie. At nasisiguro niyang narinig nito ang mga bagay na hindi nito dapat narinig. He immediately dialed her number pero unreachable na 'yon.

Mabilis na tinungo niya ang Condo unit nila only to find out that she was gone already. Umalis na ito bitbit ang mga gamit nito. He was devastated. Alam niyang kanya ang dinadala ni Marie. Kailangan nilang mag usap. Kailangan niyang ipaunawa sa babaena hindi niya papakasalan si dayana kahit pa buntis ito.

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now