Chapter Six

34K 826 23
                                    

Marahas na hinila pabalik ni Esyang ang brasong hawak ni Jessa. "Tang-ina mong babae ka! May usapan tayo diba?" Nagngangalit ang ngiping tinignan niya ito.

Ngumisi lang si Jessa sa kanya. Tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nakafitted white cotton sleeveless shirt siya na nakatucked-in sa isang itim na skirt at napapatungan ng sleeveless coat. Iyon ang uniporme ng mga crew sa loob ng club.

Pasado ala una na ng umaga. May limang oras na siyang nagtatrabaho nang bigla nalang siyang kaladkarin ni Jessa palabas ng fire exit. "Makakatanggi ba naman ako sa seventy-five thousands?" Tila malditang anghel na sabi nito habang kunwa'y binibilang ang perang nasa puting sobre.

Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ito. "Gaga kang babae ka! Gusto mo ba talagang basagin ko ang mukha mo? Hayop ka ang ayos ng usapan natin tapos oonsehin mo ako!"

Tumalim ang mga mata nito saka siya nginisian. Mula sa tagiliran niya ay may dalawang lalaki ang lumapit sa kanya. "Siya na ba?" Ani ng isa na nasa gawing kanan niya.

Bahagya siyang nakadama ng kakaibang takot. Tila umurong ang tapang niya. Nakita niya ang pagtango ni Jessa. "Oo yan na nga. Sabihin mo sa boss mo bigyan ako ng bonus ha! Virgin pa yan. Tiba tiba siya d'yan."

Tila gustong umikot ng paningin niya. Lantaran siya nitong ibinubugaw. Ngayon niya pinagsisihan na hindi siya nakinig kay badet. Hindi mapapagkatiwalaan si Jessa. Dakilang manloloko at sinungaling ito.

Akma siyang hahawakan ng dalawang lalaki nang pumiksi siya. "Wag niyo akong hahawakan mga Pashnea. " Tinignan niya ng masama si Jessa. "Ikaw na tulingan ka! Nagusap tayo na hindi ako kasama sa ibubugaw mo. Na magtatrabaho lang ako sa klab. Naghahanap ka ba talaga ng sakit ng katawan?" Ikinuyom na niya ang mga kamao. Handa na siyang sapukin ang ma-foundation nitong mukha at ilublob ang katawan nito sa imburnal.

"Ang dami mo pang sinasabi. Bayad kana at cash pa! Kaya ang mabuti pang gawin mo ayusin mo ang trabaho mo para naman maulit ulit ito. Hayaan mo't hati tayo sa tip na ibibigay sakin ng First customer mo." Na sinabayan nito ng pagtalikod sa kanya. Hahalblutin niya ang buhok nito nang mapigilan siya ng dalawang lalaki.

"Bitiwan niyo ako! Bitiw!" Walang magawa ang lakas niya sa tila bakal na mga kamay ng mga ito na nakakapit sa kanya. Tinatambol ng mabilis ang puso niya at inaabot na siya ng matinding kaba. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

Ngunit tila mga bingi ang mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga matang ipinukol ng mga ito sa kanya. Isa lang ang pumapasok sa isip ng mga ito. Prostitute. Pero hindi siya 'yon. Pwersahan ang ginagawa sa kanya.

Huminto sila sa puting van na nakaparada di kalayuan sa club. "Buti pa ayusin mo ang mukha mo. Baka mayamot sayo si boss todasin kaagad dito." Kinilabutan siya sa sinabi ng lalaking nakahawak sa braso niya.

Pumiksi siya nang akma siyan isasakay ng mga ito sa Van. "Pakawalan niyo ako kung ayaw niyong basagin ko ang mga mukha niyo."

Humagalpak naman ng tawa ang isang lalaki. "Kanina mo pa ipinantatakot yan. Pero hanggang ngayon gwapo pa rin kami." Kung sa ibang pagkakataon. Siguro ay sumuka na siya sa harapan ng mga ito. Kahit yata itabi si Betong sa mga ito si betong pa rin ang higit na may hitsura. Mukha silang mga zombies sa mga horror movies.

Humagalpak ng tawa ang isa pa. "Alam mo, ngayon ko naintindihan kung bakit patay na patay sa amasonang ito si boss. Eh dede palang ulam na!" Nagtawanan ang dalawa. Sinampal niya ang bastos na lalaki.

"Manyakis ka! Papatayin kitang hayop ka!" Mula sa van ay may bumaba pang isang lalaki.

"Hoy! Mga kupal kayo kapag nagalusan yan pare pareho tayong malilintikan kay Boss. Kilala niyo naman 'yon." Hindi niya alam kung magpapasalamat siya sa lalaki o ano. Kasi kung di ito lumabas malamang ay tumama na sa pisngi niya ang makalyong palad ni Big boy abunda!

"Eh! Kupal din itong babaing ito. Siya na nga ang pinurig may suso siya pa ang nanampal." Tila batang nagsumbong ito. Kumuyom pa ang mga kamao niya. "Ikaw na babae ka! Manalamin ka bago ka manampal yang suso mo parang plato kaya wag kang mag inarte!"

Iniumang niya ang kamao. Pero ang nakakasilaw na motorsiklong papalapit ang nagpahinto sa kanya. "Hayan na si Boss."

Huminto iyon sa mismong harapan niya at bumaba ang isang dinosaur na kilalang kilala niya. "Hi babes."

"J-Jojo... "






To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now