Chapter Fifty Five

35.1K 893 64
                                    

The number you dialed is now on unattended. Please try your call later.

"Please, pick up your phone. Mag usap tayo please." Bulong ni tessmarie habang walang tigil sa pagdadial ng number.

May isang linggo na, simula noong pumunta si Onie sa bahay nila--este sa bahay ng ex-husband niya. Ang kapatid nitong si Pisces ang naghatid kay Lance sa kanya kinabukasan. Nang tanungin niya ang bata ay busy daw ang tatay nito.

Ayaw pumayag ni Maurice na iwan niya ang bahay nito. Doon na daw lumaki si Lance at marami silang mahahalagang alaala doon kaya isinakripisyo iyon ni Maurice. Aminado silang nakakailang matapos ang lahat ng mga nangyari. Conjugal property nila ang bahay na iyon kaya si Maurice muli ang nagpaubaya. Ang bahay naman sa Pedrosito ay ipinaubaya nito sa nanay at tatay niya. Pero legal na iyong nakapangalan kay Lance. Kabuuan kasi ng lugar na iyon ay farm. Hindi mahilig sa bukid si Maurice. Inalagaan lang nito iyon ayon na rin sa kagustuhan ng mga yumao itong magulang. Siya mismo ang naghikayat kay Maurice na magbakasyon muna. Itinuloy nito ang Bakasyon na dapat ay silang dalawa.

Naaa kahabaan siya ng EDSA-Kamuning ng kusang huminto ang sasakyan niya. Shit! Galing kasi siya sa bahay ng mga magulang ni Onie. Pero hindi niya natagpuan ang binata doon. Nasa school naman daw ang kambal. Bakit kung kailan handa na siya saka naman sila hindi magkita. Napapadyak siya ng malamang naubusan siya ng baterya ng sasakyan. Great! Anong alam ko sa pagpapalit ng baterya?

Mabuti nalang at may ilang kalalakihan ang nagkusang tulungan siyang itulak pagilid sa kalsada ang sasakyan niya. Nakakaabala na kasi siya sa traffic. Sinubukan niyang muli na idial ang number ni Onie pero ganoon pa din. Si Badet naman ay hindi niya rin macontact. Busy na yata sa klase niya.

Napuntahan na niya ang lahat ng lugar na pwedeng puntahan ni Onie pero hind niya ito makita. Inilock niya ang sasakyan at sinimulang maglakad lakad. Papara nalang siya ng taxi. Nang may huminto sa tabi niya ay saka siya sumakay. Hawak ang cellphone na muli niyang idinial ang number ni onie. Ring lang iyon ng ring at may nagbavibrate sa ilalim ng pang upo niya!

Pinanlakihan siya ng mga mata ng makitang cellphone pala ang naupuan niya. Nakilala niya iyon dahil sa screen saver na nakita niya sa cellphone. Picture nilang lima iyon, kuha noong birthday ni Lance. Nakaupo sila ni Onie sa buhanginan habang nakakandong naman ang kambal sa ama ng mga ito at si Lance ay nakatayo sa likuran nilang dalawa at nakaakbay. A perfect picture of a perfect family.

Gumawi siya sa Driver. "Manong saan niyo inihatid ang huling pasahero niyo bago ako?"

Mabilis namang sumagot ang driver. Nabuhayan siya ng loob. Tila alam na niya kung nasaan ang binata. "Doon niyo po ako ihatid." Kaya ba hindi nasagot si Onie dahil nahulog ang cellphone nito sa loob ng taxi?

Bumungad kay Tessmarie ang matayog at siyang siya pa rin na building. Nangangatog ang mga tuhod na inihakbang niya ang mga paa. Ganoon na ganoon siya noon.

Hindi na siya pinansin ng gwardiya. Tumuloy siya sa lobby at sumakay ng elevator. Kabisado pa niya kung nasaang floor ang dating unit na inookupa niya. Ang condominium unit ni Onie. Nilalaro niya ang mga daliri at sinusubukang kalamayain ang sarili. Sobra ang kabang nararamdaman niya. Paano kung wala siya dito?

Nang bumukas ang elevator doon lang siya tila natauhan na naman. Para siyang galing sa pagkakatulog. Eight years ago, nang huling tumapak siya dito. Kabisado ng mga paang binaybay niya ang pasilyo. Bandang dulo ang pintong hinintuan niya. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang buzzer na nasa kanan niya. Nakadalawang pindot na siya pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan niyang pihitin ang doornob.

Bahagya pa siyang nagulat ng bumukas iyon. Hindi nakalock! Tuluyan na niyang binuksan iyon at pumasok sa loob. Pero laking gulat niya ng ibang unit ang bumungad sa kanya. Walang kahit isa mang kagamitan sa bahay. Walang kwarto. May nagiisang pinto na tingin niya ay banyo. Mali bang unit ang pinuntahan ko? Pero tama naman dahil ito ang huling pinto. Mukhang bagong renovate ang lugar dahil naaamoy pa niya ang pintura doon. May tatlong maliliit na dibisyon ang unit. Dakawnag dipa lang yata ang lapad niyon. At bawat pader ay may nakasabit na paintings.

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon