Chapter Thirty Four

28.1K 793 39
                                    

"Are you sure you'll be fine?"

Ipinikit niya ang mga mata at saka tumango. Naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang presensya ni Onie sa gilid niya. "I'm worried about you. Dalhin na kaya kita sa ospital?"

Umiling siya. "Ayos lang ako. Masakit lang talaga ang ulo ko." Aniya. Nasasamyo niya ang mabangong amoy ng binata. "Ang bango bango mo." Na sinabayan niya ng pag ngiti. Nakatira na sila sa iisang bahay. Dito sa condominium umuuwi si Onie. Mahigit dalawang linggo na buhat ng mang galing sila sa palawan. Kung ano man ang namamagitan sa kanila ay masaya siya.

Nang huling araw nila sa isla ay nakilala niya ang mga magulang ni onie. Mabait si Mrs. Cortez, sa katunayan hindi niya inaasahan na ngingitian siya ng Ginang. Pero kabaliktaran ang lahat. Si Mr. Cortez naman ay madalang magsalita, hindi nga niya maisip na magkapatid ang dalawa sa totoong buhay dahil magkahawig na magkahawig sila. Para talaga silang mag ama.

"Call me tita Dioann, Marie. And tito jorge naman sa asawa ko." Tipid siyang ngumiti. "So, how are you two met?" Natigil siya sa pagsimsim ng juice mula sa baso niya. Malayo sa kanila si tito jorge at onie. Tila may mahalagang pinag uusapan ang dalawa.

Ibinaba niya ang baso at tumingin sa nangangasul na dagat. Ito pala ang sinasabi ni Onie sa kanya na ipapakilala. Lumunok siya. "Sa S-San Agustin po."

Kuminang ang mga mata ng Ginang. "So, You mean. You are from San Agustin? 'San doon? We are from San Agustin too. My husband brother was the San Agustin Governor."

Umiling siya. "N-Napadpad lang po ako doon ng.. ng.. Muntik na akong m-marape. Ang anak n-niyo po ang n-nagligtas sakin." Nakita niya ang labis na pagkabigla sa mga mata nito. Alam niya, nagkakaroon na ng mga bahid ng mga tanong ang isip nito. Naroroon na ang pag aalinlangan.

"After my urgent meeting by Ten. Uuwi ako agad at sasamahan kita sa Ospital." Naputol ang daloy ng alaala niya ng magsalita muli si Onie.

Nagmulat siya ng mga mata. "H-Hindi na. Darating naman si Badet. Diba chemo ni edong ngayon? Kay badet nalang ako magpapasama papuntang ospital."

Nagaalala paring tinitigan siya nito. "Are you sure?" tumango siya. "Alright. I'll call Beverly para ischedule ka ng check up. And i will asked her to check on you from time to time. So she can give me an update kung kamusta kana." Tumayo na ito at inayos ang necktie bago muling yumuko at hinalikan siya sa noo bago sa labi. "Be a good girl. Wag ka nang magtatayo ng tayo. Baka matumba ka pa. Let the housekeeper do their jobs." Ang tinutukoy nito ay ang daily housekeeping staff na napunta sa unit nila araw araw. Tumango siya at ngumiti.

Naiwan siya sa kama at hinila niya ang kumot. Ipinikit niya ang mga mata at mas piniling matulog muli. Antok na antok pa rin siya kahit wala naman siyang pinagkakapuyatan.

Nitong nakaraang araw ay sinamahan siya ni Onie sa Alternative learning school balak na niyang matapos ang sekondarya para makapagkolehiyo na siya. Binigyan siya ng binata ng pagkakataong mag aral. At sa susunod na lunes ay pwede na siyang pumasok. Five hours kada tatlong araw ang schedule niya. Kaya may malaking natitirang oras pa siya para alagaan si Pochi at biaitahin sa ospital si Edong. Nararamdaman niya, unti unti ay matutupad na niya ang mga pangarap niya.

"Congratulations Mrs. De Leon. You're two weeks pregnant." Kahit hindi niya ipatranslate ang sinabi ng doktor. Malinaw sa kanya kung ano ang sinabi nito.

"My ghasssBuntis ka 'bes!" Nakangiting sabi ni badet sa kanya. Hawak nito ang braso niya na malapit nang mapiktal sa kakahila nito. Siya naman ah tulala at hindi makapaniwala. Samo't sari ang nararamdaman niya. Masaya dahil sa wakas may matatawag na rin siyang pamilya. Masaya siya dahil magkakaanak na sila ni onie. Malungkot dahil hindi niya alam kung magiging masaya ba ang binata sa balitang ipaparating niya.

Binigyan siya ng Doktor ng mga reseta na dapat niyang bilhin. Kailangan daw maging malusog ang pagbubuntis niya para malusog din ang bata paglabas.

"Ninang ako ng anak mo ha!" Ani ni badet habang naglalakad sila pabalik sa kwarto ni Edong. Nasa iisang ospital lang sila.

Nakangiting tumango siya. "Oo naman. Ikaw lang naman ang best friend ko e." Hinaplos niya ang impis pang tiyan.

Huminto sila sa paglalakad at humarap si Badet s akanya. "Buti pa umalis kana. Puntahan mo na ang fafa ng beybi mo. Ibalita mo ang mabuting balita. Natitiyak kong matutuwa 'yon. Baka agad agad pakasalan ka na 'non!" Puno ng sayang sabi nito.

"Tingin mo matutuwa talaga siya?" Naninigurong tanong niya.

"Aba oo naman! At saka alam naman niya na posible ka talagang mabuntis lalo pa't nagbabahay-bahayan kayo. Di naman siya shungalala para isipin na di siya magkakaanak sayo. At saka tama lang na malaman niya para naman panagutan niya 'yang inaanak ko." May punto si Badet. Hinimas niya ang tiyan. Kung dalawang linggo na ang bata sa sinapupunan niya. Ibig sabihin may nabuo agad sa unang gabing nagsiping sila.

Napangiti siya. Sharpshooter ang tatay mo anak.





To be continued...




-------

A/N:

May magrereklamo po na bakit parang ang bilis? Dun sa previous chapter nasa palawan palang sila. Ngayon preggy na. Sinadya ko po 'yon. Kasi may plano po ako sa series na ito.

Thanks for the reads.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now