Chapter Fifty Four

28.2K 791 78
                                    

Takot na takot si Tessmarie sa pagiging kalmante ni Maurice. Nanatili siyang nakahabol dito matapos silang masaksihan ni onie na magkayakap.

"Umalis kana please..." Pagtataboy niya kay Onie. Mabilis na tumalikod si Maurice papasok sa loob ng bahay. Ang akala niya ay two days pa bago ito dumating. Hindi niya akalain na narito na ito sa bahay.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo hinihiwalayan ang asawa mo." Matigas na sabi ni Onie. Napahilamos siya ng mukha.

"Nababaliw ka na ba talaga? Umalis kana.. Ayoko ng gulo.. Sige na." Itinulak niya ito palayo. Mahal niya ito pero mahalagang magkausap sila ni Maurice at makapagpaliwanag siya.

Dali dali siyang humabol sa asawa. "M-Maurice kausapin mo 'ko please." Binitiwan niya ang mga bitbit at humabol dito papunta hanggang sa library. "I can explain... Just listen first."

Nakatalikod sa kanya ang asawa niya. Simula ng ikasal sila, kahit minsan ay hindi sila nag away o nagkasakitan. Nagtatalo man sila iyon ay dahil magkaiba sila ng opinyon sa isang bagay. But Maurice always surrendered his card everytime they had an argument. Ito ang palaging nagpapalamang sa kanilang dalawa. Ganoon naman yata talaga ang pag aasawa. May kailangang magbigay at umunawa.

Pero sa pagkakataong ito, ito ang unang beses na mag aaway sila kung hindu siya nito kakausapin. Mas natatakot pa siya sa pagiging tahimik nito kaysa sa paggiging argumentado. "How long was he visiting you? Everyday? Every hour?" She felt the coldness of his voice. Gone the sweet and gentle Maurice she had been with for the past eight years.

Yumuko siya. "A-After you left." Sabi ng nanay niya. Mahalaga sa mag asawa ang pagiging tapat. But she lied to her husband the moment that she let Onie slipped in her life again.

"Kaya ba wala si Lance dito? Is my Son is in his house now?" Humarap si Maurice sa kanya. Doon niya nakita ang luha sa mga mata nito. "I thought, sabay natin siyang ipapakilala kay Lance. My Son grew with me. Pero bakit hindi ko naisip na hindi nga pala siya sakin? That after raising him ay hahanapin pa rin niya ang totoong siya."

"I-I'm sorry..." Aminin man at hindi. Maurice got so affected about Lance paternity. Isama pa na nagsinungaling siya.

"You know that i love you, right? Alam mo na kaya kong gawin ang lahat para sayo. Alam mong kaya kong isakripisyo ang lahat. Ganoon kita kamahal, kahit ako lang ang nagmamahal dito..." There, he finally said it. At nasasaktan siya. Hindi niya nasuklian iyon. Hindi niya napantayan.

Maurice walked forward and held her hand. "You don't have to say sorry.. Ako ang dapat humingi sayo ng sorry.. Because, i lied to you."

Nahinto siya sa pagluha dahil sa sinabi nito. "A-Anong sinasabi mo?"

Tumalikod ito sa kanya at may kinuha sa lamesang nasa harapan nila. Pagkadampot ay humarap muli ito sa kanya at inabot ang isnag brown envelope sa kanya. "Open it, that's the surprise gift na gusto kong ibigay sayo. Eight years ago, when you came to my life. Ang sabi ko, i have no plan to settle down---anymore. Sino ba naman ang babaing gugustuhing magpakasal sa isang lalaking walang kakayahang bumuo ng pamilya? Sa kagaya kong walang silbi dahil baog. But you and Lance  came.. You proved to me na may silbi pala ako. That i can also be a father. Lance was the greatest gift and the greatest things that happened to me. You two are give me a new definition of---home. Kayo ang bahay ko eh. Kayo ang buhay ko. But, marriage is not about who can willing to give and willing to surrender. Marriage is about sharing life and Sharing love. Alam kong mahal mo ako.. But in different kinds and way. Hindi sapat 'yon. We couldn't survive kung isa lang ang nagmamahal. Kailangan dalawa tayo..."

"M-Maurice..." Sunod sunod na naman ang pagtulo ng mga luha niya. Dumampi doon ang mga daliri nito at pinunasan.

Ito na ang nagbukas ng envelope para sa kanya at ipinakita ang papel na naroroo. Napasinghap siya. "I lied to you when i said, na sa San Francisco ang tungo ko. The truth is, nasa Quezon City lang ako para ayusin 'yan. Remember Judge Arellano? Yung ninong natin sa kasal.. He's the one who hold that case at nagbaba ng hatol."

"Y-You annulled our m-marriage?" Nanlalaking mga matang napatunganga siya.

Ngumiti ito kahit na lumuluha. "Mahal kita, at hindi ko kayang makitang nakatali ka sakin habang hindi ka masaya. I'm sorry.. Ako na ang gumawa ng paraan para mawalang bisa ang kasal natin. Si Judge na ang mismong umasikaso."

Sinasaad doon na simula sa araw na ito ay hindi na sila mag asawa. Hindi niya alam kung tamang matuwa siya gayong sobrang nasasaktan si Maurice. "Ang dapat naman nating asikasuhin ngayon ay ang pagpapalit ng pangalan ni Lance."

"Y-You've done enough... H-Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.."

"You should be. Because, I'm setting you free."





To be continued...






-------

Love is not selfish. Love is kind.

Thanks for the reads.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon