Chapter Thirty Seven

27.4K 691 23
                                    

"Mama! Papa!"

Mabilis na bumaba si Lance sa bisikleta at patakbong nilapitan sila. Mahigpit niyang niyakap si Lance. "I missed you baby boy."

Yumakap din ito pero agad ding humiwalay. "Ma!" Sabay salubong ng kilay. "I'm no longer a baby. Malaki na 'ko." Napangiti siya. He is always like that. Lagi niyang sinasabi na hindi na siya baby.

He fist bump with his papa. "Hello 'Pa." Ginulo lang ni Maurice ang buhok nito. Onie had her waivy hair. Most of his features are from her. Pati mata, ilong at labi. Bonus nalang ang complexion nito. Because he is tanned. And Maurice was tanned too.

"Hi big boy. How's school?" Magiliw na tanong ni Maurice.

Ngumiti agad si Lance. "School is great. Our team won first place in softball game!" Lance sound so proud.

Ginulo niya ang buhok ng anak. Nag lakad siya sa harap ng front door at sinalubong ang ina. "Hi 'nay." Humalik siya sa pisngi nito.

Kapag ganitong wala silang mag asawa ay ang ina niya ang humahalili sa pag aalaga kay Lance. Tingin nga niya ay nabawasan ang edad ng kanyang ina dahil nawiwili ito sa pag aasikaso sa anak niya. And tatay sinto constantly visiting her son. "Kamusta ang biyahe niyo? Noong isang araw pa naghihintay si Lance sa inyo. Akala yata ay di na kayo uuwi."

Tumawa siya. "Parang di niyo naman kilala ang batang 'yan." Mula sa porch area ay tanaw niya ang mag amang parehong nakangiti habang nagkukwentuhan.

"Halatang mahal na mahal ni Maurice si Lance kahit pa hindi naman----."

"Nay.." Saway niya sa ina.

Agad na tumikom ang bibig nito. "Pasensya na anak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang bibig ko kung minsan."

Nakakaunawang tumango nalang siya. "Ayoko na lang ho na nababanggit ang bagay na 'yan lalo pa't kaharap si Maurice at Lance. We both know how sensitive is Maurice when it comes to Lance. Si lance ang pumupuno sa lahat ng fears and insecurities niya. And i understand why."

Dumantay sa balikat niya ang palad ng ina. "Masaya ako dahil nakikita kong masaya ka sa buhay na pinili mo. Sa desisyong pinanindigan mo. Iyon lang naman ang mahalaga sakin, ang makitang masaya ka sa mga bagay na ginagawa mo." Niyakap niya ang ina. Matagal na itong nakabawi sa mga pagkukulang sa kanya. Pero hanggang ngayon ay bumabawi pa rin ito. At siya? Ginagawa naman niya ang lahat para punan ang mga pagkukulang niya bilang anak nito.

Naghiwalay silang yakapan ng makitang papalapit si Maurice sa kanila katabi si Lance. "Hon, i have to go." Paalam nito.

"Ha? Saan ka pupunta?"

"Suzanne called. May mga papers siyang pinapakuha. Nasa clinic niya. And i have to see Doctor Palmero." Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot. Akala niya dahil Saturday ngayon, they can spend time with their child. Pero hindi matutuloy dahil may trabaho itong gagawin.

Kapatid nito si Suzanne. Dentist naman, and she has a clinic near by the hospital that they managed. "Pa can i go with you? I want to see tita Suzanne. May ibibigay daw siya sakin."

Tumingin si Maurice sa kanya. Signaling her. "Is that okay with you? O kung gusto ko sumama ka na rin?"

It's a good Idea pero kilala niya si Maurice. Kapag nagumpisa na itong magtrabaho hindi na nila ito maabala. Maybe they could go out some other time. "Mama please.. I just want to visit tita Suzanne." Lance plead.

She sighed. He is always like this. Mahilig sa paawa. Just like him. "Alright. You can go. Pero wag malikot ha. Wag mong papasakitinang ulo ng tita mo."

Lumapit si Maurice sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Why don't you go with us? And sa labas na tayo kumain. How's that?"

Hinawakan niya sa pisngi ang asawa saka marahang hinaplos iyon. "Bukas nalang tayo lumabas. Sunday tomorrow."

Tumango si Maurice. "That's a good idea. So paano? Aalis na kami ni Lance."

Yumakap muna si Lance sa kanya bago sumama sa papa nito.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon