Chapter Forty Three

26.3K 691 47
                                    

Sa malawak na ballroom ng isang five star hotel ginaganap ang Thanksgiving party ng Peñafranda Foundation. Naiwan siya sa lamesa ng tumayo si Maurice dahil tinawag ito ni Director Hakuzi. Alam naman ng asawa niya na hindi siya makakarelate sa business kaya hinayaan nalang niya ito. Isa pa, mas okay sa kanya na nakaupo nalang siya. Medyo marami kasi siyang pasyente kanina.

She looked down to her dress at inayos iyon. Below the knee ang suot niyang black tube dress. Nagkaroon pa sila ni Maurice ng diskusyon kanina tungkol sa suot niya. Pero sa huli ay pumayag na rin ito.

"Excuse me. I just go to the washroom." Paalam niya sa dalawang babaeng kasama niya sa round table.

Binitbit niya ang black pouch na dala niya at saka naglakad patungo sa washroom. Naglalakad na siya ng magvibrate ang cellphone niya sa loob ng pouch na dala niya. Agad niya iyong kinuha at tinignan. One new message from her son.

Hi Ma. I love you.

A smile plastered on her face. She clicked reply then type, i love you too.

She's exchanging messages to her Son when she bumped to someone. "I'm sorry Miss.."

That voice! Nakayuko lang siya at nakatitig sa cellphone niya. She can't look up dahil tinatambol ang dibdib niya. Kabisado niya ang amoy na naaamoy niya. Lance used to have that natural male scent kahit noong baby pa siya. Pamilyar din ang init na nasasagap niya mula sa kaharap.

"Again, I'm sorry Miss." And when his hand finally touched her. Doon siya nag angat ng tingin.

Nakita niya ang gulat sa mga mata nito. His eyes glisten with surprise. "M-Marie..."

Marie. He haven't changed. Tinatawag pa rin siya nitong marie. "O-Onie..." She call him back. Kahit siya ay nagulat din. After a long eight years ay heto sila. Magkakabungguan at magkikita.

Humakbang siya ng isang hakbang paatras. Pero bago pa niya maituloy iyon sa pangalawa ay hinagip nito ang katawan niya at niyakap siya ng mahigpit. Totoong labis siyang nagulat. Halos madurog ang buto niya sa higpit niyon. Sumiksik sa leeg niya ang mukha nito at dama niya ang pagkabasa doon dahil sa luhang nanggagaling sa mga mata nito.

"Finally God hear me. Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kitang hinintay. Ang tagal kitang---."

"Let me go." Inilagay niya sa dibdib nito ang dalawang palad at itinulak ito. Nagtagumpay siyanh makawala sa pagkakayakap nito. Nabasa niya ang pagkabigla sa mukha nito.

"Marie..."

Inayos niya ang nagusot na damit at saka hinarap muli ito. She tried her very best to hide all her emotions. "Hindi mo na dapat ako hinanap. Hindi mo na dapat ako hinintay."

Kumunot ang noo nito. "And why not? You left me without saying goodbye. Halos mabaliw ako kakahintay sayo."

Lumunok muna siya. Saka tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Y-You look okay now. Mukhang naging masaya ka naman ng wala ako. Kaya bakit mo pa ako hinahanap. Hindi ba't pinili mo na si D-Dayana."

Napatulala ito sa kanya. "A-Alam mo?"

Umiwas siya ng tingin. "I'm sorry Mr. Cortez but i think i should have to---." Akma siyang tatalikod ng hagipin nito ang braso niya.

"I know you were there. The day when yana told me that she is pregnant. Sana hinintay mo ako. Sana hinarap mo ako. Sana kinausap mo ako. Sana---."

"Sana ano?" Hindi niya napigilan na magtaas ng tinig. "Hindi mo ba nakikita? Ginawa ko 'yon para hindi kana mahirapan. Para hindi ka mahirapan kung sino ang pipiliin mo. P-Para maging masaya ka na..."

Ginusot nito ang buhok. Frustration was written on his face. "Anong alam mo sa kung ano ang magpapasaya sakin? Ano ang alam mo sa dapat at hindi dapat gawin? Nagdesisyon ka para sa sarili ko? Ni hindi mo ako hinayaang kausapin ka."

Walong taon na. Pero bakit nasasaktan siya sa nakikita niyang sakit sa mga mata nito? "I'm sorry kung ginawa ko 'yon. Ginawa ko lang 'yon para hindi ka mahirapang mamili samin dalawa."

"Pero ikaw ang pinipili ko. I rejected her proposal dahil alam ko kung sino ang mahal ko. Alam ko kung sino ang kailangan ko." Hinawakan nito ang kamay niya. Mahigpit at tila ayaw pakawalan.

Hinila niya iyon. "I'm sorry... But you are eight years late. I'm married."

Tila ito hinahapong napatingin sa wedding ring niya. Bakit ba kailangan pa nilang magkita kung makakasakit lang siya? Tila maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib niya ang mga luha nito.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now