Chapter Fifty Three

29.6K 717 16
                                    

Onie texted her para sabihing sinundo nito si Lance sa school. Payag siya na anytime ay pwede nitong makita si Lance. Natatakot kasi siya na kung di niya gagawin 'yon ay baka pilitin siya nitong lumipat ang custody ni Lance dito. Hindi niya kakayanin kung mawawalay si Lance sa kanya. Kaya magtitiis nalang siya kung paminsan minsan ay si onie ang kasama ng anak niya.

"Anong plano niyo ngayon ni Onie?" Inubos niya ang kapeng nasa tasa bago nag angat ng tingin kay Badet. Nagyaya si Badet na samahan niya itong mamasyal.

Sinamantala na rin niya na kasama ito para makapamili na rin siya. Two days from now ay darating na ang asawa niya. "Sa ngayon, okay naman sa kanya ang arrangement namin."

"Hindi ka ba naba-bother na baka makaisip siyang kunin si Lance sayo?" Sa tanong na 'yon ay natigilan siya.

Tumingala siya. Pinipilit niyang ibalik ang luhang gustong maglandas sa mga pisngi niya. "H-Hindi ko kakayanin."

"Sumama ka na sakin. Let's build our family together. Ikaw, ako, si lance and the twin." Onie said. He's holding her tightly.

Pinipilit niyang humiwalay dito. Nagulat nalang kasi siya ng lumabas siya ng kwarto nila ni Lance sa Beach house ay naroon ito sa pintuan. "H-Hindi ganoong kadali 'yon. Hindi ko kayang saktan si Maurice. He's been good to me and Lance. Hindi ko siya kayang saktan."

"But you're hurting him now, please come back to me. Come back to my life..."

"You love him, yet hindi mo mapanindigan because you're married already." Sinabi niya kay badet ang lahat. Para saan pa kasi kung itatago pa niya hindi ba? Wala na rin namang saysay.

"Eight years ago, noong malakas pa ang paniniwala ko na ang lahat ng bagay sa mundo ay tumatagal. Na matibay. Pero ang hindi ko alam, dumarating lang sila pansamantala at mawawala din." Kung siya ang tatanungin. Siguro mas mabuting iwasan nalang niya kung ano ang nararamdaman niya.

Alam ng Diyos kung gaano niya kagustong bumalik kay Onie. Kung gaano niya kagustong buuin ang pamilya nila at magsama sama silang lahat. Pero sa tuwing naiisip niya iyon. Mukha ni Maurice ang nakikita niya, palaging napasok sa isip niya na uulitin niya ang ginawa niyang pananakit kay Onie sa ibang tao naman. Hindi niya gustong maranasan iyon ng iba, dahil lang sa iisang dahilan. Di bale na siyang masaktan. Wag lang siyang makasakit ulit ng iba.

Pasado alas sais ng ihatid siya ni Badet sa kanila. "Oh oh! I think you need to come out of this car bago pa mainip ang bago niyong gwardiya." Ngumuso si Badet sa labas ng sasakyan nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita si Onie na nakasandal sa gate ng bahay nila.

"Anong ginagawa niya dito? Ang sabi niya sa kanila matutulog si Lance." Nagtatakang tanong niya.

"Aba! Malay ko! Hello girl! Maghapon kaya tayong magkasama." Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan at kinuha ang grocery bags na dala niya.

Nagpaaalamat siya kay Badet at saka umalis na. "O-Onie!" Bati niya ng makalapit sa lalaki.

Akma nitong kukunin ang mga dala niya ng tumanggi siya. "No, i can manage. Thank you."

"Tumatawag ako sayo pero hindi mo sinasagot ang tawag ko." Nag iwas siya ng tingin. Pero nababasa naman niya ang mga messages nito.

"B-Busy lang. I'm sorry." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa mga bags na dala niya. "Si Lance? H-Hinatid mo ba siya?"

Umiling ito. "No. Mom and dad asked kung pwedeng magstay si Lance sa bahay at least one night. And I'm calling to you para sana sabihin sayo. Since you didn't answering my calls, i decided to go here."

Tumango nalang siya. "Okay lang. Alam kong nabitin sila noong huling magkakasama sila. Anyways, papasok na ko sa loob. Gabi na rin kasi." Akma niyang lalampasan ito ng hagipin nito ang braso niya. Nahinto siya sa paghakbang.

"May kilala akong magaling na abogado. Just tell me when you want to see her. Willing siyang hawakan ang annulment case niyo ng asawa mo."Napabuga siya ng hangin. Alam niyang hindi sumusuko si Onie. At kilala niya ito. Hindi ito madaling sumuko.

"O-Onie please.. Don't make it hard for both of us. I have no plan to annul our marriage. H-Hindi ko sisirain 'yon ng dahil lang sa m-mahal kita." Nakita niya ang sakit sa mga mata nito.

"Kaya okay lang sayo na saktan ulit ako? That you willing to hurt me again and again rather than to leave him and set our lives together? Nandito na ko... May kailangan pa ba akong gawin para patunayan sayong mahal kita? Do i need to jump to the cliff? Roll on the ramp? Ano pa? Tell me.. Gagawin ko ang lahat ng 'yon." Dumantay ang noo nito sa noo niya. Ipinikit niya ang mga mata at inisip na sana sila na nga. Na sana sipa nalang.

Pero hindi na mangyayari ang mga iyon. Kusang umakyat sa pisngi nito ang palad niya at humaplos doon. "Wala namang nabago.. Walang napalitan at walang nakalamang.. I love you since the first time i saw your picture on the magazine. I love you since i met you. And i love you since you let me slipped into your world. P-Pero may mga bagay na ang hindi pwede.. And what we have now is time that telling us----that is over."

Mahigpit siyang niyakap ni Onie. "Walang nabago Marie.. Just come to me.. I love you and i still love you no---."

"Hon!"

Tila siya nabuhusan ng malamig na yelo at tumigas. Tumingala siya para lang makita ang nakatayong bulto ni Maurice sa mismong tarangkahan ng bahay nila. Nakatingin ito sa kanila ni Onie.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsOnde histórias criam vida. Descubra agora