Chapter Forty Five

27.5K 685 16
                                    

Naiiyak na nakatingin lang si Tessmarie kay Lance na nakayakap pa rin kay Maurice. Ayaw nitong huniwalay ng pagkakayakap sa ama.

"Papa.."

Masyadong malapit si Lancekay Maurice kaya hindi niya masisisi ang bata na habol ito sa papa nito. Buong buhay nito ay si Maurice ang palagi nitong nakikita. Baby palang ito ay si Maurice na ang nag aalalaga sa kanya.

Lumapit siya sa dalawa at hinawakan sa braso si Lance. "Anak dalawang linggo lang naman na mawawala ang papa mo. Babalik din siya."

Pupuntang San Francisco si Maurice para umattend ng seminar. Lumuhod ito sa harapan ng anak at hinaplos ang buhok nito. "While I'm away, ikaw ang magbabantay sa mama mo ha.. Sandali lang naman ako doon."

Ngumuso si Lance. "Pero papa. Diba ang promise mo sakin sasama ka samin ni mama sa beach house?"

Napapailing iling nalang siya. Lance is a promise keeper. Mabilis siyang tumupad sa pangako kaya kapag pinangakuan mo siya ay sisiguraduhin mo na tutuparin mo. "Alright. When papa came back. Pupunta tayo sa beach house. Okay ba 'yon? Sa ngayon, papa needs to attend his seminar."

Niyakap nito si Lance. Matagal bago nito napapayag ang bata. Saka naman lumapit sa kanya at niyakap siya. "Mag iingat ka dito."

She patted his back. "I will. Ikaw din. Malayo ang San Francisco dito. And call me everytime."

Humiwalay ito sa kanya at saka hinaplos ang buhok niya. "Two weeks lang. It's just a two weeks at pagbalik ko dala ko na ang sorpresa ko para sayo."

Napangiti siya. "Hindi ka pa nakakaalis may sorpresa ka na agad. Mukhang dalawang linggo mo akong di patutulugin kakaisip d'yan sa sorpresa mo ah."

Natatawang humalik nalang ito sa noo niya. "I have to go. Malelate na ako sa flight ko." Nang tumingin muli ito kay Lance ay nakangiti na ang bata. Sabay silang kumaway ng sumakay ito ng sasakyan na maghahatid dito sa Airport.

"Grabe 'bes! Ang ganda ganda mo! Parang hindi kayo mag ina ni Lance." Bulaslas ni Badet sa kanya habang nakaupo sila sa isa sa mga benches ng St. Celestine Academy. Inihatid niya kasi si Lance. Lance is in fifth grade already. Nag accelerate siya dahil kinakitaan siya ng kakaibang talino. He actually mastered the multiplication table at six! And he can solve two or more word problems mentally. Minsan nga kinakabahan na siya. Iniisip niya, normal pa ba ang anak niya?

Sa Australia, may mga cases na sa sobrang talino ng isang bata. Naiipasok na sila sa Science Academy. Okay sana kung ang age level nila ay nasa teen or young adult na. But hell! They're all in grade level. "Sus, binola mo pa ako. Sayo nga nagmana ng pagiging bolero si Lance. Mag ninang nga kayo." Saka niya sinabayan ng tawa.

Teacher sa second grade si Badet. Finally, nakaisip din itong magtapos ng pag aaral pagkaalis nila ng pilipinas patungong Boston. Dito na kasi sila ni Maurice nagpakasal. "The truth is, four months after your first wedding anniversary nang umuwi kayo ng pilipinas. Hiyang hiya pa akong lumapit sayo noon. Ang bongga mo na kasi. Tapos ang ganda ganda pa nung mga ate mo." Ang tinutukoy nito ay ang dalawang half siblings niya. Natawa siya sa kwento nito. "Anyways, pupunta nga pala ako sa inyo bukas. May ibibigay ako sayo."

"Huh? Ano naman? Siguro babawi ka sa mga birthdays ko na wala kang regalo no?" Tudyo niya dito.

"Loka! Hindi no! Saka wala na akong maisip na pwedeng iregalo sayo. Mayroon kana ng lahat ng bagay sa mundo."Sandali siyang natigilan. May asawa na siya. May anak. Nakilala na niya ang totoo niyang tatay bago man lang iyon nawala. Nagawa na niya lahat. Napalaki na niya ng maayos sina Edong. May maayos na siyang buhay. Ano pa nga ba ang kulang sa kanya.

Dumantay ang kanang palad niya sa kanyang dibdib. Alam ng puso niya kung ano ang kulang. Pero hindi na niya hahangaring makuha pa iyon. "Bes, alam mo bang hindi niya ako tinigilan? I mean---hindi niya ako tinigilan kakatanong kung nagkikita ba tayo? 'Bes sobrang mahal ka nung tao. Halos araw araw nandoon siya sa pinto ng boarding house na tinutuluyan ko malapit sa university na pinapasukan ko. Halos araw araw sinusundan niya ako. Nagmumukha na nga siyang stalker. Huminto lang siya kakasunod sakin noong ipagtabuyan ko siya."

Pinigil niya ang emosyon niya. Alam niya ang tinutukoy ni badet. "W-Wag na natin siyang pag usapan."

Hinawakan ni badet ang kamay niya. "Do you think it's about time para ikaw naman ang lumapit sa kanya. Patay na si Dayana, siguro naman expired na ang kasunduan niyo."

Binawi niya ang kamay. "Hindi ganoong kadali 'yon. May kanya kanya na kaming buhay. At s-saka masaya na ko sa buhay ko ngayon."

"Masaya nga ba talaga?" Tinitigan siya ni Badet sa mga mata. "Ba't hindi ganoon ang nababasa ko sa mga mata mo? Siguro magaling ka talagang bumasa ng isip ng iba. Kaya mong alamin ang emosyon ng iba kasi psychiatrist ka. Pero kilala kita 'bes. Alam na alam ko kung ano ang nasa isip mo."




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now