Chapter Fifteen

29.8K 841 28
                                    

Mabilis ang ginawang paglabas ni Onie ng kanyang sasakyan. "Damn!" Aniya matapos matumba ng babaing may kasamang bata matapos niyang bumusina ng malakas.

"Marie... " He was shocked for a while at saka mabilis itong dinaluhan. "Fuck! I almost kill you!" Hinawakan niya ito sa braso. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ito sa kanya. "May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong niya. Bukod sa mommy niya, kay Virgo at kay Yana. Ito ang unang  beses na nag alala siya para sa isang babae. Dahil ang pag aalala niya noon ay para lang sa tatlong babae sa buhay niya. Pero kakaiba ang isang ito. Pakiramdam niya ay isa siyang superhero at kailangan nito ng tulong niya.

"S-Salamat." She murmured softly. Bakas ang pagod sa hitsura nito.

Naguhuluhang inakay niya ito sa gilid ng daan. "Bakit ka tumatakbo? Akala ko ba nakauwi kana?" Sunod sunod na tanong niya. Naging mailap ang mga mata nito at saka nagpalinga linga sa paligid. Tila may nais itong takbuhan.

"Ate nariyan na si kuya jojo!" Doon lang niya naalala amg batang kasama nito. Gaya ni Marie, tila takot na takot din ito. Mahigpit na humawak sa  braso niya si Marie. Bago tumingala sa kanya.

"T-Tulungan mo kami... " Tila binalutan ng kakaibang damdamin ang puso niya at mabilis siyang tumango.

Inakay niya ang mga ito papasok sa loob ng sasakyan niya. This woman has something he really can't explain. At natatakot siya. Yana was the first woman he cared about. Si yana ang kauna unahang estranghera na pinagmalasakitan niya ng todo todo. But Marie is---different.

He maneuver the car and drove it away.

"S-Salamat." Iyon ang muli niyang narinig matapos niyang ihimpil ang sasakyan sa harapan ng isang building.

Nilingon niya si Marie. Karga nito ang batang kasama nito na ngayon ay tulog na tulog na sa kandungan nito. "Kanina ka pa nagpapasalamat." Aniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi sa kanya ang buong nangyari. He was half guilty dahil sinunod niya ang sinabi nitong wag na niya itong ihatid sa mismong harapan ng bahay nito. Dapat ay nag-insist pa siya. "Now tell me what really happened?" Naging mailap ang mga mata nito. "Look Marie. I brought you here dahil alam kong ligtas kayo dito. Pero kailangang malaman ko muna kung anong nangyari."

Muling kumislap ang butil ng luha sa mga mata nito. "W-Wala na kaming bahay... "

Halos bulong lang na sabi nito. Tumingala siya sa building. Naisip niyang dito sa condo niya maaaring manatili ang mga ito. Maraming magiging tanong kapag iniuwi niya ito sa bahay nila. Yana, for sure will bombarding him kung makikita nito si Marie. At hindi niya gustong mangyari iyon lalo pa't ikakasal na sila. "You can stay sa unit ko. Hindi ko naman na ginagamit iyon."

"S-Salamat." Again.

"Stop saying thank you. Maliit na bagay palang itong nagagawa ko. Thank me kapag malaki na." He said. Not hiding the irritation he felt everytime na magpapasalamat ito.

"S-Sinunog ni Jojo ang b-bahay namin. S-Siya yung---."

"The one that attempting to rape you. The one who kidnapped you." Putol niya. "Kilala ko na siya. I already blotter him noong gabing nakita kita. Gusto mo bang tumuloy tayo sa presinto?"

Umiling ito. "H-Hindi na. Maraming kilala sa pulisya si Jojo kaya hindi iyon makulong kulong. Makukulong man nakakalaya din."

Pero mas marami akong kilala kaysa sa kanya. Gen. De Castro of the PNP ay mismong ninong ko. Senator De Guzman and DOJ secretary Felipe are my Godfather too. So who's most influential? Nais sana niyang isatinig iyon ngunit ayaw naman niyang magmukhang mayabang sa harapan nito.

Inalalayan niya ito palabas ng sasakyan at sabay silang nagtungo sa elevator. Siya na ang kumarga sa batang karga nito na tulog na tulog pa rin.

Habang sakay sila ng elevator. Hindi niya maiwasang mapaisip sa hitsura nila. Marie stood beside him while he is carrying a child in his arms---sleeping. Ganito ang mga nakikita niya sa panaginip niya. Uuwing kasama ang asawa't anak niya. Dati si Yana ang nasa panaginip niya at kusa siyang napapangiti kapag ganoon pero bakit iba yata ang natatanaw niya ngayon?

Stop right there Onie! You're engaged already!






To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt