Chapter Thirteen

30.6K 800 16
                                    

Natanaw ni Esyang si Onie na pababa sa sasakyan nito. Galing kasi ito sa bayan upang ipasuri ang sugat nito. Nakaalis na ang bagyo at tuluyan nang tumila ang ulan.

Kanina pa siya naghihintay dahil magpapaalam na sana siya. "Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong agad nito nang makalapit sa kanya.

Salubong ang kilay nito. Band-aid nalang ang nakatapal sa noo nito. "H-Hinihintay kasi kita." Mas lalong kumunot ang noo nito sa pagkakatitig sa kanya. Sa mahigit tatlong araw na pananatili niya dito iba't ibang ekspresyon ang ipinapakita nito sa kanya. Minsan mukhang masaya, minsan naman mukhang malungkot at madalas parang laging galit. Hindi nga niya alam kung tao pa ba ito. Para kasing nasa balikat nito ang lahat ng problema. Mayaman naman siya pero bakit parang problemado. Siguro kung siya ang nasa katayuan nito at maraming pera. Baka nakahilata nalang siya palagi at nakangiti. Wala kasi siyang ibang problema.

Nilampasan siya nito. "Hindi ko naman sinabi sayong hintayin mo ako. And if you worry about my head. Okay na ako maliit na sugat lang naman ang binigay mo."

Nakita niyang ipinatong nito ang susi ng sasakyan nito lamesa at pumasok sa kusina. Umalis si Manang cora para dalhin sa laundry shop ang mga maruruming damit. "M-Magpapaalam na sana ako. U-Uuwi na ako samin." Ani niya. Mula sa pagkuha ng baso sa cupboard ay tumingin muli ito sa kanya.

Dumeretso sa water dispenser. "Alright. Ihahatid kita." Yun lamang at lumabas na ito ng kusina. Naiwan siyang nakatulala at pinoproseso ang lahat. Pwede naman siya nitong ihatid sa istasyon ng bus o san mang sakayan at siya na ang bahalang bumiyahe pauwi ng maynila. Isa pa, hindi siya papayag na ihatid siya nito sa mismong bahay nila. Nahihiya siya. Ano nalang ang sasabihin nito? Wala silang matinong bahay na pwedeng patuluyin ito.

Matapos ang pananghalian nang sabihin ni Onie na aalis na sila. "Manang Cora maraming salamat po sa pag papatuloy at pag aalaga sa akin." Magalang na sabi niya sa matanda. Niyakap at nginitian siya nito.

"Wala iyon hija. Ipagpasalamat nalang natin na si Onie ang nakatagpo sayo at hindi ang ibang masamang tao." Ani nito. Nilingon niya ang binata na nakatayo di kalayuan sa kanya. Gaya kaninang umaga ay salubong na naman ang makakapal nitong kilay.

"Labis ko pong ipinagpapasalamat iyon manang. Kung hindi dahil sa kanya baka inaanod na ako sa ilog ngayon. O kaya naman ay napapa na ng mga hayop sa gubat." Sinsero niyang sabi.

Humiwalay ang matanda sa kanya. "Oh siya magiingat ka ha. Ingatan mo ang sarili mo. Para hindi kana mapahamak ulit."

Tumango nalang siya. Lumulan na sila ng sasakyam at saka tuluyan nang nakalayo sa lugar na iyon.

Pasado alas sais nang huminto ang sasakyan sa tabi ng tulay papasok sa eskenita patungo sakanila. "Are you sure na dito nalang kita ihahatid? Pwede kitang samahan pa sa pagpasok." Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa kung tanungin nito.

Nahihiyang umiling siya. "H-Hindi na. Saka gabi na rin. B-Baka gabihin ka pabalik ng S-San Agustin." Delikado kung ihahatid siya nito sa loob. Halang ang bituka ng mga kapit bahay niya. Baka mapahamak lang ito.

"Sa parents ko ako uuwi ngayon. They been texting me since yesterday at alam kong nag aalala na rin sila." Tumango nalang siya. Hinawakan niya ang handle ng sasakyan nang marinig niyang nag-unlock na iyon.

"S-Sige mauna na ako. I-Ingat ka sa pagmamaneho." Akma niyang bubuksan ang pinto nang mapigilan siya.

Hawak nito ang isang braso niya. "Wait!"

Tila siya naestatwa sa sandaling pagkakahawak nito sa kanya. Tila may bilyong bilyong boltahe ng kuryente ang nanulay sa kalamnam niya. May dinukot ito sa bulsa at mula sa wallet nito ay may kinuhang parisukat na puting papel. "Here." Sabay abot sa kanya. "Calling card ko yan. Tawagan mo ako kapag may problema. O kailangan mo ng tulong. I'm willing to help."

Natigalgal siya. Para saan pa at gusto nitong tawagan niya ito? Di pa ba sapat dito ang minsang pagtulong sa kanya. "S-Salamat pe---."

"And by the way, my name is Onie. Nice meeting you Marie. "

Tila may mga paru parong nagliliparan sa tiyan niya nang bigkasin nito ang huling pangalan sa pangalan niya.





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now