23 - Adik sa'yo

62 1 0
                                    

23. Adik sa'yo

Aiko's POV

" Sige Aiko, babay...Ingat " paalam sakin ni Macoy Nung dumating na ang sundo ko si Ate.

Hay salamat naman mahabaging bathala! Naka hinga narin ako ng matino! Kanina kasi nung kasama ko siya nagkakagulo nanaman ang kalooban ko...wooh. Eto ang ayoko pag may crush eh. Bakit ba Kasi nagkakras pa ako sa kumag na yon?! Dati naman wala akong paki dun sa hinayupak na yun ah?!!

"Sisteret! Alam mo ba, meant to be ata talaga kami ni Noel, kasi bukod sa letter "P" din nagsisimula yung apelyido niya, lagi rin kaming magka-grupo..yiee" kinikilig na sabi sakin ni Ate

"Sus, ay baka naman nagkataon laang yon? "

"Aywan. Pero hindi, kasi maraming beses na na may pareho samin, tingnan mo nga ngayon eh, siya pa ang katabi ko!"

Bigla naman akong napa-isip sa sinabi ni Ate. Teka, magkatabi rin kami ni Macoy ngayon? Di kaya meant to be rin kami? Haysh! Anu ba tong mga naiisip ko! Kasura! Pakiramdam ko tuloy ang landi landi ko. Hay.

....

12:30 na ng hating gabi, AT HINDI PARIN AKO TULOG.

Haay naku Macoy, anu bagang ginawa mo sakin? Jusmio dos por dos santos.

Hindi ko lubos maisip na hindi ako makakatulog ng dahil lang sa kaiisip sa isang lalaki..Pakiramdam ko napakalandi ko...ay jusko, ano ba'to.

Paulit ulit sa isipan ko lahat ng mga leche niyang sinasabi at ginagawa na paulit ulit na humihiwa sa tyan ko.

Pag-pumipikit naman ako, yung likat niyang pagmumukha ang nakikita ko! Haaaay namaaaan.

Bumangon muna ako at kinuha yung pampaantok ko. Yung larawan ng isang libong mukha ng mga kambing sa isang bundok. Ang ginagawa ko, bibilangin ko lahat ng yon hanggang sa makatulog ako...

One, two, three, four.....twenty eight, twenty nine ------teka, bakit parang nagiging kamukha ng mga to si Macoy? Pinikit ko ng todo yung mata ko pero yung bwisit parin niyang mukha ang nakita ko...Hay santisima trinidad! Masyado na ba kong adik sa kanya at pati sa mga hayop na to nakikita ko yung putragis niyang pagmumukha?!

Tinapon ko yung larawan. Hay! Kasura. Nag sound trip na lamang ako.

Hiniram ko pa yung cellphone ni ate paano'y wala namang matinong kanta yung akin, bulok.

Ipinasak ko na yung earphones at ipinikit ang mga mata ko...hay sana makatulog na ako utang na loob.

♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪

Sa tuwing ika'y nakikita ♫ ♪

Anong saya ♫ ♪

Pag lumapit na kausap s'ya ♫ ♪

Natutulala ♫ ♪

Napahampas ako sa noo at napahilamos. Ay bakit naman ganire yung kanta? Sapul na sapul naman ah ah!

Pero baliw din ako dahil di ko nilipat. Aywan ko ba, paano'y ang saya kiligin. Eksdi.

Ibang-iba ang nadarama ♫ ♪

Anong kaba ♫ ♪

Aaminin ko na...♫ ♪

Sayo na lagi na lang, Lagi na lang ♫ ♪

Lagi kang nasa isip ko ♫ ♪

Lagi na lang ♫ ♪

Lagi na lang ♫ ♪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon