14 - Scary Friday

119 4 3
  • Dedicated kay Bob Ong
                                    

14. Scary Friday

[Macoy's POV]

KRING KRING KRING!

@#$%^&*!!!!!!!!Tapos na ang lunch! Ibig sabihin, maghihiwalay narin kami ni Winona. Pero ayus lang, may bukas pa. OA lang talaga ako dahil ngayon lang ako naka-diskarte.

" Ahm, uy Macoy, una na ko ha..strict yung next teacher namin eh..bawal ma-late" pag-papaalam sakin ni Winona

" Bye rin sayo Thea ^__^, sana hindi ka na mahiya at mag-kwento karin minsan pag nagka-sabay ulit tayo ha? ^_^" paalam naman niya kay Thea ng naka-ngiti. Bakit sakin walang ganung ka-sweet na smile?Poker face lang?

"Sige Winona, babye din . Ah, *kamot ulo* Ano, next time ulit ha?" pasimple kong sabi

"Ahm...okay" sagot  niya tapos medyo ngumiti siya. Yun naman ang gusto ko eh! Wooh!

At kumaway narin ako sa kanya at nag-flying kiss pa ako. With matching kindat pa yan. Ang kaso, inirapan niya lang ako at nag-fake smile nanaman siya. Eh yun naman ang ayoko. Awtsu.

Pagkatapos nun, sabay na kaming naglakad ni Thea papuntang classroom.

"Tropang Thea, sa tingin mo ba, may pag-asa ko kay Winona ha?" masigla kong tanong kay Thea tapos umakbay ako sa kanya.

" WALA " diretso niyang sagot

"Agay!Sakit naman nun tol! Suportahan mo na naman ako..." sabi ko habang nagkakamot ulo

" Basta"

At nag-lakad na si Thea palayo

ANUNG NANGYARI DUN?

...

Eto ko ngayon, mag-isang naglalakad sa hallway papuntang classroom. Wala eh, iniwan ako nung Thea.

Pero ang isa pang bumabagabag sa isip ko eh yung tungkol kay SANDI. Dafaq, nasaan na ba kasi yung intsik na ardilya na yon!?(ardilya-iskwirel) Siya nga kaya yung sinasabi ni Winona na bago nilang kaklase? Napaka-tagal naman ng lunes! Agay. Gusto ko ng malaman kung sino yung bagong kaklase nina Winona. Ang masama pa, FRIDAY ngayon! May dalawang araw pa! Naka-ng!

Teka,

FRIDAY

FRIDAY

FRIDAY

Aba'y BIYERNES na pala! Wooh! Weekend na ulet!

Ngayon ko lang na-realize na ang dami na palang nangyari ngayong linggong ito. Grabe, hindi parin ako makapaniwala na eto ko ngayon, GWAPO, naks, tinitilian ng mga babae na dati rati dinadaan-daanan lang ako. Sabagay, Gwapo rin naman ako nun eh, mas gwumapo lang ngayon! Except nung isang araw na bukas pala ang zipper ko. Pash!t lang.-_- Bawas pogi points yon mga tol!

May balat talaga ako sa pwet na kahit anung gawin ko eh may nangyayaring kamalasan sa bawat araw ko.

Ngayon kaya? Anung magaganap? Hmm.

Tantanan mo na ako Balat sa pwet kundi tatapyasin na talaga kita sa ayaw mo't sa gusto!

 ..............................................................................................................................................

Nandito na ako ngayon sa bahay. Medyo natagalan ako sa pag-uwi kasi hinatid ko pa si Winona at sobrang trapik pa.

Pumasok na ako sa loob. Patay lahat ng ilaw. Nasaan ang mga tao??

" Tita Petra?!!!....Lolo Dadudz!!?" sigaw ko habang hinahanap sila sa loob. Pero walang sumasagot.

Sowsmaryosep. *kamot ulo* Saan ba lumalakwatsa si Tita Petra at pati si Lolo dinamay pa?! O baka naman  nawala nanaman sa utak si Lolo at nilibot nanaman ang buong bayan para maghanap ng tuba? Agay.

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon