2 - NGA NGA

283 10 7
                                    

2. NGA NGA

"ANG F4!!!!! KAKLASE NATIN!? O M G" sigaw ng isang babae

Naknampots!Yung FVCK SH!T 4 lang pala! Anu bang meron sa kanila at pati pagdating nila eh kailangang ipagsigawan?

" Pero charot!, mas bet ko na ngayon yung feslak ni NEW GUY!" bulalas naman ng isang bakla. "Kasi look oh, kaka-turn off yung lakad ni Dao Ming Su" dagdag pa niya

Pfft. Ahaha. Mukhang ulol nga maglakad yang Dao Ming sucks na yan. Haha. Tungaks kasi.Sisipian pa gulong ko. Ayan. Dao Ming SUGAT kana ngayon! Bwahaha.

 "Pero sayang! absent si Sandi girl!" hirit pa niya

Ano? ABSENT SI SANDI?

Anak ng squirrel naman oh!

Pero di bale, MAY BUKAS PA! Nandito naman yung apat eh

Pumasok na nga ang apat na syit sa classroom. Napapatawa ako dahil ang korni nilang maglakad. Kailangan sabay sabay pa! Slow mo pa with hangin epek. Taena.  Eh kung patirin ko kaya sila?Sabay sabay parin kaya silang matutumba? Bwahaha. Mukhang mga gagu eh.

Nag solo si Danio sa upuan. Aywan ko dyan sa utot na yan at laging busangot ang mukha!

Si Jeremy naman laging seryoso, kaya tinaguriang "Ji hoo" yan eh. Kulang na lang kabaong at ataul . Ayun, nag solo rin. Nag-sesenti at naka-tingin sa bintana. Sarap tuloy manggulat. 

At dahil nga trip ko, aba'y nag tapon ako ng kung anu malapit sa kanya. Alam niyo kung ano nakaka-badtrip?

Napa-talbog lang siya ng konti sa upuan niya habang naka-poker face.

-_-

Pusong bato ata tong lintik na to. Walastic. Tsk!

Buti pa yung dalawa niyang tropa, halos mamatay na kakatawa. Mga traydor din eh, tinatawan sarili nilang tropa.

Sila sina Yuan at William , akala mo kambal,kambal tuko kamo.  hindi kasi mapaghiwalay. Magkakapalit na nga ng mukha yan eh! Sa apat na yan, silang dalawa ang makukulit .

Sikat na sikat yang apat na yan dito sa school. Di lang ata dito eh, sa BUONG PILIPINAS. Mga artista kasi eh. Mala-chicser ba? Sila nga ang nag-aadvertise sa school eh. Puro pagpapa-kyut lang naman ginagawa sa TV! Sus! Pogi pa ko dyan eh! Ang aangas pa, mga bopols naman!

 Napansin kong wagas nanaman makatitig sakin sina Danio.Nababakla na ata?haha Pogi ko kasi eh.

Mga nanlilisik at naka-sulimpat ang mga mata,takang taka sila kung sinu ako. Haha. Sinu kaya tong bwisit na'to. Siguro yun ang sinasabi nila sa isipan nila? Kung alam lang nila!

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now