21 - Mga SOUNDTRIP ni Panga

47 1 0
                                    

21.Mga SOUNDTRIP ni Panga

Landrito’s POV

 

AWKWARD

Kanina pa ako wala sa sarili dahil kanina ko pa kasama si Winona. Nakita pa nga kami ni Macoy kanina, pero wala namang nangyari nun. Nagkasalubong kasi kami sa hallway nung Hospital tapos nag-“Hi” lang siya sakin, tapos kay Macoy din pala siya papunta kaya ayun, nagsabay na kami.

Alam niyo bang napaka-epic ng moment nayun? Mukha kasi akong tanga. Di kasi ako makagalaw tapos hiyang hiya ako sa sarili ko. Namamawis pa ko putek. Isa lang naman ibig sabihin kung bakit ako nagkakaganun, may feelings parin ako sa kanya. Lalo pang lumala. Anak ng tilapia. 

Nandito na kami ngayon pasakay ng sasakyan, loko naman yun si Serrano, dinamay pa tong sasakyan ko sa disaster kanina! Tsk tsk!

"Tol, dito ka sa harap ha utang na loob" bulong ko kay Joe

"Di toollll, walaaaa, sa likod ako, matutulog ako eh hehe" mapang-asar na sagot ni Joe

"Tol, di ako makaka-drive ng maayos pag katabi ko siya!Baka maging bato ako" bulong ko ulit

"De, walaaaa! Tsaka tol di ako komportable sa harap, mas malaki pa ko dun sa upuan eh"

"Takte naman tol eh, wag mo naman akong pag-tripan ngayon!"

"Pagkakataon mo na nga to boy eh, grab the oppurturnity yihiie!"

"Tsk. Kainis naman to oh"

"Sows kunwari ka pa yihee! Kinikilig ang puwit!" asar nanaman niya. Putakte talaga to si Panga o!

"Ah Winona, dun kana daw sa harap yihie" sabi ni Joe kay Winona. Shit talaga.

"Ha? Okay lang ba? Nakakahiya naman"

"Di sige, matutulog kasi ako dito eh hehe" sagot naman ni Joe

"Psh. Pede ka naman kasing matulog dito sa harap eh" bulong ko

"Sige dyan nalang ako sa likod, nakakahiya kay Nico, ayaw ata niya" giit naman ni Winona

"Diiii, kunwari lang yan si Nico, gustong gusto niya nga eh"

"Damn you!" bulong ko kay Joe. Pinakyu niya naman ako sabay higa na nga dun sa likod.

Wala na akong nagawa. Pinagbuksan ko na lang ng pinto si Winona sa harap. Ang awkward pa nga nun eh, di talaga ako tumitingin sa mata niya kahit anung mangyari.

"thanks" sabi niya sakin. Shit.

Nakita ko namang nakangiti ng nakakaloko habang nakapikit ang taeng si Joe. Mamaya ka sakin!

Sumakay narin ako at nag-simulang mag-drive. Binuksan ko yung stereo para di ako makaramdam ng nakaka-iritang ka-awkwardan. Pinatugtog ko yung cd kong magugulo yung kanta. Pambulabog narin kay Joe para hindi rin siya makatulog! Bwaha.

Bubble butt, bubble, bubble, bubble butt
Bubble butt, bubble, bubble, bubble butt
Bubble butt, bubble, bubble, bubble butt
Turn around, stick it out, show the world you got a

Maya-maya, naririnig ko ng bumubulong bulong si Joe

"nakakagago naman...bwisit...putangina.." bulong niya. Bwahaha.

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon