20 - The Sabotage DISASTER

41 1 0
                                    

Macoy’s POV

Palabas na kami ng main gate ng school nang biglang may taeng tumawid. Sa totoo lang nakita ko na siya mula sa malayo pero dahil naninibago pa ko sa sasakyang gamit ko, hindi ko agad napreno kaya ang ending…

“OH MAY GAS!” sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung nasaan

“Omg Macoy, may nasagasaan ka ata uy!” kinakabahang sabi naman sakin ni Winona

Pinagkaguluhan yung babae na nasagasaan ko ng ilang mga taong nandun pa sa school kasama na yung isang LadyGuard

Bumaba narin kami ng sasakyan at nanlaki ang mata ko sa babaeng nasagasaan ko

“Angelina Jolie?!”

“Weh? Shooting lang ba to?” excited na tanong ni Winona

“Hindi, basta, mamaya ko na i-eexplain” nagmamadali kong sabi sabay buhat kay Aiko papuntang sasakyan. Oo, si Aiko nga ang malas na nasagasaan ko.

Habang isinasakay ko siya sa loob, napatitig ako sa kanya, ngayon ko lang siya nakitang hinang hina at walang kalaban laban. Hindi ko alam kung may malay siya pero nakita kong may luha sa mata niya.

“ sorry,sorry… di ko sinasadya”  bulong ko sabay punas sa luha niya

Pero buti nalang wala tong malay, kundi sinipa o sinapak na’ko ne’to! Pero takte, hindi to ang oras para magbiro ako, seryosong bagay to shit. NAKASAGASA AKO. DUGUAN SIYA.

Nung itinatakbo ko na siya sa clinic kasama si Winona, naka-salubong ko narin sina Landrito, Panga at Abo.

“Uy pre! Pre! Anung nangyari kay Mamaber?” nag-aalalang sabi ni Panga. Di ko na siya sinagot pa.

Pagdating ko sa clinic, inihiga ko na agad siya dun sa kama. Ewan ko talaga kung may malay to kasi nung inihihiga ko siya parang hinila niya yung buhok ko. Nananabunot ba to?

Inasikaso naman agad siya ng school Nurse at Doctor dun. Pero pagkatapos nun dinala narin namin siya sa Hospital dahil hindi lang basta galos ang natamo niya.

Na-confine si Aiko dun sa Hospital. Nagkaroon kasi siya ng bali sa paa at braso, di ko pa alam kung may ooperahan pa sa kanya. Di sakin sinasabi nung Doctor kasi di naman daw ako kapamilya. Awtsu.

Ngayon, namomoblema ako. Ilang tao ang tumpak na magagalit sakin ngayong araw na ito. Syet.  Una, si Pareng Landrito, syempre sasakyan niya ang nagamit ko sa kapalpakan na ito.  Pangalawa, pamilya ni Aiko. Kung si Aiko amazona, inaasahan ko ng mas malupit pa sa kanya ang mga kapamilya niya. Pangatlo, yung mga matataas na tao dun sa school, syempre sa school naganap tong disaster na’to eh. Isyu nanaman yan, ang malupit pa, pag nasuspended pa ako, edi lalong lagot na ako sa huling taong kinatatakutan ko ngayon…si Ate Petra, nako po patay na talaga. Boboldyakin ako nun! Siya magbabayad ng lahat ng to eh, pwera nalang kung sasagutin ng school yung bayad. Sana. Sana. Looord.

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now