13 - Nasaan ka ba, SANDI?

90 4 2
                                    

13. Nasaan ka ba, SANDI?

MACOY’S POV

Lagpag balikat akong naglalakad ngayon sa hallway pabalik ng klasrum.Hawak hawak ko yung bastos na tinapay na may pula sa gitna sa  kaliwang kamay ko at parang gusto kong ihagis ito sa labas.

"Buwisit kang tinapay ka! Wala akong napala dahil sa iyo!” sabi ko ng nanggigigil sa tinapay habang nanlalaki pa ang mata ko

Syit, pano kaya si Winona? Naghintay kaya siya sakin? 

Papalapit na ako sa klasrum nang matanaw ko si Aiko na nakatayo lang sa labas.

“Uy, tropa ko? Bakit ka nasa labas?” tanong ko

“Alamin mo sa loob” sabi niya habang naka-irap ang mata

Bakit kaya? Pumasok na ako sa klasrum at syit. Awkward moment. Tahimik ang lahat.

Napatingin ako sa harap at nakita ko si Ma’am Matapang na kasalukuyang nakakunot ang noo at naka pameyawang.

“MISTER SERRANO! YOU’RE LATE! GET OUT!!!”

At yun na nga, lumayas na ako palabas. Walanyang buhay to o, ang malas talaga!

Paglabas ko, nakipag-apiran ako kay Aiko “Nays wan!Ang saya!”

Umupo lang si Aiko na nakahawak sa tiyan. Gutom na siguro. Tumabi naman ako sa kanya at umupo rin.

“O, tinapay” pag-alok ko sa kanya. Yung tinapay na inabot ko sa kanya ay walang iba kundi yung salarin ng lahat ng ito, ang pan de regla

“Yang buwisit na tinapay na yan ang may kasalanan ng lahat ” sabi ko

“Ay ba’t mo nasisi yung tinapay? IKAW ang may kasalanan! Nakipag-talo ka pa ay!” Aiko

“Sorry naman. Di naman kasi para sakin yan eh” paliwanag ko

“Ay ba’t mo binigay sakin ngayun?” tanong niya

Inakbayan ko siya “Tropa kasi kita, at ayaw kong nakikita ko ang tropa kong gutom. Kuha mo?” sabi ko

Inalis niya ang pagka-akbay ko “Tropa ka diyan?! TSH!” 

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan

"Bakit ba badtrip na badtrip ka sakin?! Siguro may kras ka sakin nu?!" biro ko

"Ay ati ah! Mukha mo! "

"Eh ba't ang init ng dugo mo sakin?" tanong ko

" Eh kasi naman, ilang beses mo na kong pinag-tripan , kasama yung isa pang puhang mong kaibigan!" sagot niya. Ahehe. Oo nga naman. Lalo na yung nagkunwari kaming mga holdaper? At yung nasabugan siya ng kape dahil sakin?  Haha. Sorry naman taeng tae talaga ako nun eh.

"Oh edi sorry na, tropa na tayo?^___^" akmang makikipag shake hands ako

"Bahala ka!" 

" Kras mo lang ako eh haha" biro ko nanaman

" Eh! Lintok ka talaga!"

"Anu ba ibig sabihin ng lintok?"

" Pinabait na..." sabay bulong niya sakin "Lintek "

" Uy bad word pala yun eh!Lagot! "

"Nye? Parang ikaw ah? Hindi ka baga nagmumura?!" naiinis niyang sabi

"Ehehe. Di, binibiro lang talaga kita, sarap mong asarin eh haha " sabi ko sabay gulo sa buhok niya "Wag dagdamin!" dagdag ko pa

Haha. Sarap talaga niyang pagtripan, ang bilis magalit, ang bilis magulat...haha. 

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now