7 - Ang pagbabalik!

158 4 2
                                    

7. Ang pagbabalik!

A/N: Short UD lang pero syempre may part 2 po ito :) Pambawi po sa sobraaaaang tagal kong hindi nag-update :) Baka mamaya ko narin po ipost yun :) Pasensya na po talaga at tsalamats po ng marami sa mga sumusuporta kahit konti lang kayo :)

God bless po at sana ma-enjoy niyo ang chptie na itetch kahit ultra mega ikli XD

______________________________________________________________________

TAKTARAOK!!!!!

Tilaok ng Manok ng kapitbahay

" TUTOY! Bangon na!!!!!!Aba!" rinig kong sigaw ni Lolo sa baba.

Nako po. Ayan na ang malupit na boses ni Lolo. Wag naman sana niyang makita yung tinago kong buntot pagi. Kundi, nako, patay nanaman ang pwet ko niyan.

Mumulat ako ng konti at kinuha ang cellphone ko para tingnan kung anung oras na

Tinapat ko sa mukha ko yung cellphone kasi medyo blurd.

6:1-----

*Alarm*

I'm not afraid!!! (I'm not afraid) 

To take a stand!!! (to take a stand)

BUUGGSSSH!

o.O

Everybody!!! (everybody) 

Come take my hand!!!! (come take my hand)

HUTAENA. Sumapul sa pagmumukha ko yung cellphone walanya.

Nagising tuloy ako ng di oras -_-

" Aba't saan ko ba nailagay yung buntot pagi?! At ng magising ko na ito si Tutoy..." rinig kong sigaw ni Lolo sa baba.

Wala Lolo Daduz.Di mo na mahahanap yun. Pinalipad ko na sa impyerno, kawawa pwet ko eh, may balat na nga, bugbog sarado pa. -_-

Bumaba na ako ng kwarto tapos dumiretso ako sa CR para mag-mumog at mag hilamos. Pagkatapos nun, dumiretso ako sa kusina para mag-timpla ng gatas.

"Huaaayyy..katamad" hikab ko habang nagtitimpla

"Aba apo gising ka na pala! Aba'y mabuti! Teka sandali, nakita mo baga yung bunto't pagi ko? Aba'y kanina ko pa hinahanap eh hindi ko makita kita..." tanong sakin ni Lolo habang sumisilip silip sa ilalim ng mga gamit

" Naku papu, nandito oh, loko yang apo mo..tinago ba naman sa lagayan ng mga costume ko...napakagaling tsk tsk tsk!" sabat ni Tita Petra habang hawak hawak yung buntot pagi

Nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko. O.o Walanya, ang talas din ng mata nitong tiyahin kong bakla eh, kinomoflauge ko na nga yun dun sa costume niya sa Ms. Gay Kalikasan eh.

Tiningnan ko si Tita Perta ng wag-mo-ibibigay-kay-lolo look. Pero pakinshit tinaasan lang ako ng kilay sabay abot kay lolo nung buntot pagi habang may nang-asar na tingin. ( ̄ー ̄)

Anak ng! ( ゚ Д゚) Hotaena.

"Labyu!" pahabol na pang- asar ni Tita Petra

"Wala na pucha. Tita naman Anubayan ih!" kamot ulo kong protesta pero wala na talaga akong nagawa. Bwisit. (-.-)

Samantala, kasalukuyan namang hawak hawak na ni Lolo ang kanyang mahiwagang buntot pagi.

" Aba'y buti't nahanap mo Pedrito"

Pfft...Napatawa ako ng konti sa tawag ni Lolo kay Tita. Bwahaha. Yun oh, pambawi! Pedrito kasi ang tunay niyang pangalan eh haha.

"Aba'y sino nga ba ulit ang nagtago nito Pedrito?" biglang tanong ni Lolo.

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon