12 - SI AIKO, AKO, AT ANG MGA KAKAIBANG BAGAY

109 4 3
                                    

12. SI AIKO, AKO, AT ANG MGA KAKAIBANG BAGAY

“Ahm…Pede bang…pag-isipan muna? tanong ni Winona

“ha? sige sige “sagot ko

“Thanks”

“Pero…pede ka ba mamayang recess?” pahabol kong tanong habang hinihimas ang batok ko

“Ahm..sige. Okay”

“Yown. Salamat. Hehe. Sige” pag-papaalam ko

Nang nakapasok na si Winona sa loob ng classroom nila, narinig ko ang malawakang pang-aasar sa kanya ng mga kaklase niya. Haha. Ako naman, nakipag apiran sa tropa kong sina Panga at Landrito at nagpasalamat dun sa mga taong hinila namin para maisagawa tong harana na to. 

“Success!” sigaw ko

Bigla naman akong binatukan ni Panga

“Tanga, wala pa ngang sagot eh..pag-iisipan pa daw”

“Ay oo nga pala potek. Pina-alala mo pa dafaq”

Tsk. Oo nga pala hindi pa pormal na pumapayag si Winona na ligawan ko sya. Awtsu. Pero kung hindi man siya pumayag, I hab my bak up plans mga tol. Makikipag-close parin ako sa kanya. Mas mabilis pa nga yun eh, pag naging close na kami, pede ng tawaging M.U yun, tapos pag tumagal tagal magiging mag boypren girlpren rin kami. Kahit walang pormal na kung anu ano pa. Ganun naman mga relasyon ngayon diba? Hehe. Nakiki-uso lang.  Jowk.

Sa totoo lang, hindi nga ako sanay manligaw eh. Puchu puchu lang yung panliligaw ko nun sa ibang babae. Tipong kuha lang rin talaga ng number  tas chatchat text text. Buti nga yun, basted naman ako lagi kaya masasayang lang eport ko. Yung kay Sandi naman…sus. Medyo seryoso ako nun pero parang ginawa lang akong aso. Buti na lang mukha akong baboy. De jowk. Pero basta ginawa niya lang akong tagabitbit nun. Alalay ba? Muntanga talaga itsura ko nun. 

Nakarating na kami sa classroom. Patay pa ang ilaw kasi medyo maaga pa tsaka trip lang talaga ng mga kaklase kong nandun. Nung binuksan nga ni Panga yung ilaw sinagawan siya ng “ay wala na EPAAAALL!!”

“Luh.Woy, kasama ko kaya si Mayor” depensa ni Panga

“Patayin mo na lang yung ilaw tol. Maaga pa naman eh” sagot ni Landrito sabay upo sa may dulo at nag-soundtrip

“Woooh!Yan ang Mayor namin. Thanks Nico!” sabi ng isa kong kaklase. Ayos ah. Haha Pahiya si Panga.

Naalala ko, mga tropa pala ni Sandi tong mga nandito. Pero pucha, bakit wala parin siya? Pumasok kaya siya ngayon? Isa rin siya sa pinag-hahandugan ko nung harana kanina eh. Pang-asar lang. haha.

“Guys, di parin daw papasok si Sandi girl. She texted me a while ago eh”

“What? Nasan ba talaga siya ngayon?”

“IDK. Basta sabi niya nung isang araw nasa vacation sila eh. Kaso hello? One week ago na yun noh”

“Baka naman tinatamad lang pumasok? You know her naman diba?She’s a lazy bitch!”

“Haha. Agree”

DAFAQ. Wala parin siya? Kainis naman o. Akala ko pa naman umiyak lang siya sa C.R. dahil sobrang na-disappoint siya at nainggit sa harana ko kanina kay Winona.O kaya naman sobrang tumulo ang laway niya nung nasilayan niya ang kagwapuhan ko.  Arggh. Anubanaman o.

Dahil nabadtrip ako, gusto kong mag-C.R. Wala lang , gusto ko lang makita ang gwapo kong mukha para mawala ang kabadtripan ko. Pagbukas ko ng pinto para lumabas ng classroom, sakto namang papasok si Aiko. Kaya ayun, medyo nagka-bungguan lang kami.

“Ay sorry “ sabi ko. Naka-simangot lang siya

“Angelina Jolie namaaaan, umagang umaga naka simangot ka? Aba hindi maganda yan nakow.” Pabiro kong sabi tapos pinisil ko yung pisngi niya para mapa-ngiti siya

(On hold ) (don't read)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora