22 - Whatz da meaning of diz???

66 0 0
                                    

22. Whatz da meaning of diz???

Macoy's POV

After two weeks, nakalabas narin ng ospital si Angelina Jolie. Sa dalawang linggo na yun, ni Hindi manlamang ako nakapang ligaw ng maayos Kay Winona dahil kada uwian, deretso agad ako sa ospital para dumalaw Kay Aiko. Pag recess at lunch naman, parang laging wala sa mood si Winona kaya parang wala Lang din. Tsaka isa pa, dahil sa matinding galit sakin ni Tita Petra dahil kami rin ang magbayad sa ospital (kuripot Kasi yung futangina naming school) , binawasan Niya yung baon ko, singkwenta pesos nalang binibigay Niya sakin. Kaya nakakahiya naman Kay Winonang sumabay sa reccess at lunch.

Pinandigan ko narin yung sinabi ko Kay Aiko. Kaya eto, naging instant alalay niya na ako.

"O, o, o,...Ingat, ingat..." Mahinahon kong sabi Kay Aiko dahil medyo natalisod siya sa hagdanan.

" Uuuy! Ang sweyt!" Asar nanaman nung kupal na si Panga mula sa likod

"Lul! " bulong ko sa kanya

Pumasok na kami sa classroom. Pagdating namin dun, nakita ko yung upuan ni Aiko na puno ng kalat. Anak ng! Porket absent ng two weeks eh! Mga loko.

"OY, OY, OY! Ba't ang dumi dito?!" Sabi ko dun sa mga tao sa classroom. Walang pumansin sakin. Dafuq. " Respeto naman o!" Inis kong Sabi sabay linis dun sa upuan ni Aiko. Langya, tinambakan ng basura eh.

" ayan Aiko, upo ka na, malinis na " sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya

Kinuha ko yung notebook ko na may listahan ng mga assignment

"Ah Aiko, eto o, mga assignment natin last week" sabi ko

" ah...hala, panu to?"

Napakamot ulo ako.

" ah...teka...turuan kita " tinitigan ko yung assignment na yun at pilit iniintindi ang lahat

"Ah..hehe...haha..ah wait......LANDRITO! Halika ka nga sandali dito hehe"

Nagpaturo ako Kay Landrito tapos Nung naintindihan ko na, itinuro ko na Kay Aiko.

Aiko's POV

" Ano, ganito daw...kukunin mo daw muna yung frequency..tapos..ganito.."

Di ko alam kung sadyang ako'y bobo lamang o nabibingi laang ako dahil wala talaga akong maintindihan sa mga napagsasabi ni Serrano. Hindi ko magawang mag focus.... Di ako mapakali sa pwesto namin dahil sobrang lapit naman niya sakin. Para akong lutang na sabog na ewan!

Hay anu bang nangyayari sakin? Kayamot Naman! Tsh.

" Ah..hehe..na gets mo ba? Sorry, ang gulo ko mag explain" nahihiya niyang sabi habang nagkakamot sa batok

" ahh...hmm! Oo..oo! Nakuha ko naman...Hehe " pagbubulaan ko...

Tinitigan Niya ako sa mata. Tumingin naman ako sa ibang ibayo

" Parang di mo naman ata na gets eh.." Nakangiti niyang sabi

" ahh..hehe"

" Hayaan mo na, excuse ka naman na siguro sa mga teachers " nakangiti niya ulit na sabi

Tumango lang ako ng hindi naka tingin sa kanya. Hay anubaganaman! Anu bang nangyayari sakin? Ba't parang ilang na ilang ako! Di ako mapakali. Ay baka naman side effect ito nung pagka aksidente ko?! Halaaa. Naman o...

Pumasok na yung Math teacher namin. Kinamusta niya ko tapos Sabi Niya excuse na muna ako sa lahat ng activities Niya. Hay salamat naman...

Habang nag didiscuss siya, lutang parin ako. Ang nakakayamot pa, hindi mawala wala sa isip ko yung pagmumukha ni Serranong nakangiti! Nakakasura naman!!! Arggggg! Mawala ka! Mawala ka!

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon