11 - LIGAW LIGAW DIN PAG MAY TIME

118 5 1
                                    

11. LIGAW LIGAW DIN PAG MAY TIME

Macoy's POV

Anak ng tinola. Umuwi na daw si Winona. Napakasaklap. Di ko manlang naabutan. Hindi nanaman ako nakadiskarte.

" Walanya,  namuti na mata ko dito ka-iintay lumayas na pala yung inaabangan natin!" reklamo ni Panga

"Badtrip nga eh tsk!. Hayaan mo na nga! Bukas na lang" sabi ko sabay lakad. Sumunod naman sakin si Panga

Habang naglalakad kami sa hallway palabas ng school, naabutan namin ang isang malusog na babae na may dinidikit na kung ano dun sa bulletin board kung san nakapost yung mga sections.

"Parekoy, si Thea ba 'yun?" tanong ni Panga

Tinitigan ko yung babae at tumpak. Ang tropa ko ngang si Thea

"THEA!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo papalapit

Bigla naman siyang napatalikod

"Uy tropa kong maganda..wala namang talikuran" sabi ko ng may malumanay na mapagbirong boses

"Bopols! Alam mong mahiyain eh" batok sakin ni Panga

"Thea..alam mo" inakbayan ko siya "Wala ka dapat ikahiya...lalo na dito sa kupal na katabi ko? Wag na wag kang mahihiya sa maitim na'to nakow!"

Napatawa naman siya ng konti. Habang si Panga. Ayun disappointed. (-_-)

"Teka teka, eh anu bang ginagawa mo dito sa bulletin board ha Thea...? Nako namaaaan....Sa lahat lahat ng pedeng tambayan dito pa? Tabi pa ng basura. Aba oki ah?" pabiro kong sabi ng may makulit na boses

"Eh dito niya trip eh paki mo ba" sabat nanaman ng epal na si Panga

"Epal ka talaga eh nu? Hehe" sabi ko with matching fake smile

"Ah s-sige u-una na ko" nauutal utal na sabi naman ni Thea habang nanginginig pa

Tapos nagulat na lang kami ni Panga nang bigla siyang naglaho sa tabi namin. Tumakbo na pala. Walanjo.

"Uy uy uy!" sabi ko na lang habang tinitingnan si Thea palayo

"Huwat was dat?" pabirong sabi ni Panga na kaboses pa ni Jimmy Santos

Napakibit balikat nalang ako sabay tingin na lang sa bulletin board. Ganun parin naman. Wala namang nabago. Yaan na nga

"Tara na nga..alas sais na oh takte sasarhan nanaman ako ng pinto ni Lolo"

...

Kanina pa ako dito sa kwarto at nagmumuni muni. Nag iisip ako kung paano ko sisimulan ang panliligaw ko kay Winona. Kaso hindi rin ako makapag-isip dahil dun sa mga walanyang pusang kanina pa ungol ng ungol sa bintana. Bwisit. 

Maya maya nakarinig na ako ng "SSSHHH!" at "HUY!" mula sa labas.  At ramdam kong nagtakbuhan ang mga pusa dahil dun.  Haha. Panigurado si Lolo yan may dalang bunto't pagi.

Sa wakas ay naging mapayaba ang mundo ko. Makakapag-isip na ko ng gimik sa panliligaw ko kay Winona. Lagi na lang kasing hindi natutuloy eh. Hindi na ako makadiskarte potek.  Kaya sisiguraduhin kong makakapanligaw na talaga ako ngayon!

After  1 hour...

"Lord ngayon lang hehe..wag niyo po munang gisingin si Lolo. Labyu Lord" bulong ko habang bumababa ng bintana

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon