18 - Mga kalokohan ni Panga

78 0 0
                                    

18. Mga kalokohan ni Panga

JOE'S POV (PANGA)

" Alam kong nililigawan lang ni Macoy si Winona para inggitin ang isang babae, at kaibigan ko si Winona, ayaw ko siyang mapunta sa masama "

"May gusto si Winona kay Nico, at si Nico naman, matagal narin niyang gusto si Winona, kaya paglapitin mo sila kasi kawawa naman ang kaibigan mo, matagal na niyang gusto si Winona"

Pfffttt......WAHAHAHAHAHAHAHAHA!

WAHEHEHEHEHEHEHEHEHE!

Wahihihihihihihihihihihihihi!

HANODAW YUNG PINAGSASASABI NI ANGELINA JOLIE?

HIGANTI? PAGLAPITIN? KAWAWA SI NICO? MANGGAGAMIT?

Nasa teleserye na ba ako? Wahahahahahaha!

Tiwala naman ako kay Pareng Macoy na hindi niya liniligawan si Mareng Winona para lang maghiganti, gud boy yun si Totoy Macoy! Hindi naman niya siguro magagawa yown! SIGURO. Bwahahaha. Pero kitang kita ko naman kung pano siya na lab at pers sayt dun kay Winona, napa-mouth openopen nga siya nung una niyang nasulyapan yun eh.

Tandang tanda ko pa nga yung epic moment na nanigas si Pareng Macoy sa kinatatayuan niya nung napadaan si Mareng Winona.

Pero yung may gusto si Pareng Nico kay Mareng Winona? Weh? Totoo ba yon? Eh ba't di ko alam? Langyang Landrito yan, di nagsasabi!

Pero uy,  kung totoo nga yon, aba'y kawawa naman pala si Parekoy Landrito? Kaso kung sila naman paglalapitin ko ni Mareng Winona, awts naman yun kay Pareng Macoy? Parang pinagkaisahan siya?

Kaya eto mga parekoy ang gagawin ko,  si Aiko't Macoy nalang ang paglalapitin ko para mas masaya at exciting! Wahaha. Bubuuin ko ang araw-araw nila ng matinding pang-aasar hanggang magka-developan sila! Bwahaha! Ayos ba ayos ba? Woy, minsan lang ako mag isip kaya sumang-ayon naman kayo! Wahaha.

Pero seryoso, pag sila kasi ang pinaglapit ko, mawawala na yung pagkagusto ni Pareng Macs kay Mareng Winona, pag nangyari yun, hindi niya na liligawan si Mareng Winona at solong solo na ni Pareng Landrito si Winona!

Pagkatapos nun, dadamoves na si Pareng Landrito kay Winona!

O EDI SOLB ANG PROBLEMA!

Kaysa naman yung lihim kong pinaglalapit si Winona at Nico, ang sama ko namang tropa non, laking sampal nun kay Parekoy Macoy pag nakikita niyang mas close si Winona kay Landrito tapos ako pa tulay! Walangya.

Pag yun ang nangyari, ang ending nyan, uuwi na ngang basted ang kawawang si Tutoy Macoy, tapos mag-aaway away pa kaming mag-totropa! Awtsu. Sayang naman lahat ng mga kahihiyang pinagsamahan namin, winasak lang ng putakteng pag-ibig!

Bat ba kasi di nila ko gayahin?  Pa dota-dota lang, pa-lakwatsa lakwatsa, pa tawa tawa,  pa kain kain, Hayahay ang buhay, malaya, yan ang buhay single, kasiyaha'y walang tigel!

Pero oy, may kras ako dito sa classroom, hehe. Aamin na ba ko? Pilitin niyo nga ako. Joke. Medyo natotorpe po si Koya.

Pero syempre joke lang yun,di ako torpe nu! Pero hanggang ligaw tingin lang dahil tinatamad akong mag-girlpren.  Basta, ang  kras ko ay walang iba kundi si...denenenennnnnnnn....si Thea lang naman. Hehe.  Oyst, sikret lang ha. Mga pakyu kayo pag sinabi niyo.

De joke, sige kahit ipagkalat niyo pa haha, para mapag-usapan naman ako bwahahaha. Famewhore amputa. Alam na nga to ni Landrito eh, kaso wala eh, alam niyo naman yung taong yun, walang imik.

Teka nga, speaking of Landrito, kamusta na ba tong chinitong to? Makikigulo nga ako sa tahimik na buhay ne'to, antagal ko na  kasing hindi nakaka-usap to mula nung niligawan ni Parekoy Macoy si Marekoy Winona eh. Pag kinakausap ko kasi parang laging badtrip, siguro nga may kras tong lokong to kay Winona di lang umaamin? Paaminin ko nga...

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now